Rendon kay Carlos: May oras pa para iwan ang babaeng sisira sa buhay mo

Rendon kay Carlos: May oras ka pa para iwan ang babaeng sisira sa buhay mo

Rendon Labador, Carlos Yulo at Chloe San Jose

BINALAAN ng social media personality na si Rendon Labador ang 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo tungkol sa kanyang personal life.

May kaugnayan pa rin ito sa kontrobersyang kinasasangkutan ni Carlos at ng kanyang pamilya pati na rin ng girlfriend niyang content creator na si Chloe San Jose.

Nagkomento kasi si Rendon sa isang social media post kung saan mababasa ang patuloy na pangdededma ng Pinoy champ sa kanyang mga magulang at kapatid.

Mas pinipili pa rin daw ng binata ang kanyang dyowa na naging sanhi ng sigalot sa pagitan ni Caloy at ng kanyang mga magulang.

Baka Bet Mo: Rendon Labador walang takot, pati si Tito Sen tinalakan; gusto ring paimbestigahan ang ‘E.A.T.’ sa TV5

Ayon kay Rendon, mas mabuting iwan na raw nito si Chloe para mas maging maayos na ang relasyon niya sa mga magulang at mga kapatid.


“Naramdaman ko din yan bro, yung walang tao na gusto sumuporta sayo. INIWAN KO DIN ang pamilya ko katulad mo.

“Pero nagbagong buhay na ako ngayon at pilit kong itinama yung mga pagkakamali ko,” ang simulang payo ng motivational speaker kay Carlos.

Patuloy pa niya, “Tandaan mo to bro, ‘Balewala ang mga medalya mo kung wala ka namang pamilya.’ Itapon mo na lang yan kasi hindi bagay sa ugali mo.

“May oras ka pa para iwanan ang babaeng sisira sa buhay mo at bumalik sa babaeng nagbigay ng buhay sayo… ang nanay mo.

“Ayaw ko sana sabihin to, pero tingin kong deserve mo. Huwag kang t*nga. Payong kuya lang yan. Magbago ka na hanggang may pagkakataon ka pa,” ang pahayag pa ni Rendon.

Ni-repost din niya ang isang artikulo mula sa isang Facebook account kung saan mababasa ang matapang at diretsahang payo niya kay Carlos.

Sabi niya sa caption, “Maliit ka na nga mayabang ka pa. Dapat humble lang bro. Si Rendon Labador nga nag bago na, ikaw pa kaya? Habang hindi pa huli ang lahat bro. Payong kuya lang ito.”


Sandamakmak na comments ang ipinost ng mga netizens sa naging pahayag ni Rendon hinggil kay Caloy. Narito ang ilan sa mga komento sa ni-repost ni Rendon mula sa Birit Moments page.

“Yess true sa pag kakataong to magaling ka sa part na may pag mamahal sa magulang big yess very good.”

“May point dito si kuya Rendon Labador hindi kasi sa lahat ng panahon nasa itaas tayo kasi yung kasikatan ay nalalaos din, mas mainam talaga na maging humble padin tayo no matter what man ang ating narating.”

“Mukhang gumaganda na takbo ng isip mo a!! Ipagpatuloy mo yan Rendon Labador.”

“Gusto ko talaga labanan si yulo ng 1×1 basketball kung talagang the best athlete players siya haha lol.”

“Kumpara mo sa achievement nya at achievement mo mas may K sya magyabang.”

“Wagmo minamaliit ang taong maliit dhil karamihan sa maliit nakaka pwing yan ng mata!! bsta Go klang Caloy
atliis si caloy wlang inaapakan na tao pra umangat eh ikaw need mpang mang bash.pra dumami ung followers mo.”

“Tama yan boss Rendon Labador ganda ng payo mo tamang tama ang sinabi at agree kmi… respeto sayo!! Yang babaeng un parang nakikinabang lng kung ano meron s carlos pero pag naubos na sya iiwanan lng nya yan. Pero ang nanay nya kahit ngkaissue man sila hnding hndi sya iiwan neto khit gaano pa kalaki ang issue nla.”

Read more...