Marian nagpasalamat kay Olivia Rodrigo, Zia Dantes shookt sa concert

Marian nagpasalamat kay Olivia Rodrigo, Zia Dantes natulala sa concert

Olivia Rodrigo at Zia Dantes

PINASALAMATAN ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang international singer na si Olivia Rodrigo.

Ito’y dahil sa hatid na kaligayahan ni Olivia sa panganay na anak nila ni Dingdong Dantes na si Zia na matagal nang iniidolo ang Fil-Am singer-songwriter.

Tuwang-tuwa si Zia nang makapanood sa “GUTS” world tour ni Olivia Rodrigo  nitong nagdaang Sabado, October 5, na ginanap sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Isang short video clip ang ipinost ni Marian sa kanyang Instagram account at mapapanood nga rito ang pagtalon, pagsigaw at pagkaway ni Zia habang nagpe-perform si Olivia.

Baka Bet Mo: Paolo ng Ben&Ben pinasalamatan ang ‘past self’: Thank you for not giving up

“Kung saan ka masaya, Anak, nandito lang kami para suportahan ka! We love you!” ang inilagay na caption ni Marian sa Instagram reels.


Super thankful din ang Kapuso actress at TV host kay Olivia dahil talaga namang nag-enjoy nang bonggang-bongga ang kanyang anak.

Mapapanood din sa nasabing video ang tila pagkaway ni Olivia sa kinaroroonan ni Zia kaya naman makikita sa reaksyon ng bagets na parang na-speechless siya at natulala.

“We love you! @oliviarodrigo Salamat pinasaya mo si Ate Zia,” ang sabi pa ni Marian sa caption.

Read more...