Ex-PBB housemate at proud transman na si Jesi Corcuera buntis

Ex-PBB housemate at proud transman na si Jesi Corcuera buntis

Jesi Corcuera

BUNTIS ang dating “StarStruck” contestant at proud transman na si Jesi Corcuera sa panganay niyang anak na tinawag niyang “Baby Ninja.”

Ibinandera ni Jesi, na naging housemate din siya sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 (2016) sa buong universe ang good news sa pamamagitan ng kanyang Instagram account kahapon, October 5, kalakip ang mga litrato niya kung saan kitang-kita na ang malaki niyang tiyan.

Sa caption na inilagay niya sa kanyang IG photos, idinetalye ni Jesi ang hirap at sakripisyong pinagdaraanan sa pagbubuntis sa unang anak.

Baka Bet Mo: Jesi Corcuera ipinakita ang surgery scars: Simbolo ng aking kalayaan

Aniya, talagang pangarap niya noon pa ang maging parent at matutupad na nga ito anytime soon matapos sumailalim sa proseso ng in vitro fertilization, na nagsimula pa noong 2018.


“Sa lahat ng gagawan ko ng caption, ito na yata yung pinakanahirapan ako. Alam ko mahihirapan din kayong intindihin kung paano ito nangyar,” simulang pagbabahagi ng “StarStruck” alumnus.

Patuloy niya, “2018 nung simulan kong planuhing magkaroon ng anak.

“Pero that time, maraming struggles, lalo na financially and hindi rin naman biro ang gastos sa unang plano kong mag-IVF,” sabi ni Jesi.

Nabanggit din niya sa kanyang post na nangarap siyang maging magulang nang dahil na rin sa partner niyang si Cams at sa mga anak nito.

Sabi pa ni Jesi, kinarir talaga niyang ang pagiging ama sa mga anak ni Cams kaya naman sobra siyang naapektuhan nang magically sila sa isang punto ng kanilang pagsasama

“Hanggang sa bumalik sa buhay ko si Cams pati ang mga bata. Naisip kong parang sign na yata ito ni Lord sakin.

“Baka ito yung warm-up Niya para sakin kung paano ako magiging magulang soon. Sa pagtayo ko bilang tatay ng mga anak ni Cams, maraming naging realizations.

“Isa na du’n yung baka may chance pa pala akong magkaroon ng sarili kong anak,” pagbabahagi ni Jesi.

“Fast forward ngayong taon, di ko in-expect na mabubuo siya through my last option na ako ang magdadala pero sobrang thankful ako na pinagkaloob ito ng Diyos sa akin,” aniya pa.

Sa huling bahagi ng kanyang FB post, nakiusap si Jesi na huwag sana siyang i-judge ng mga tao dahil napakahirap ng naging pregnancy journey niya.


“Hindi naging madali ang prosesong ito para sa akin kaya sana hindi niyo rin ganun kadaling husgahan kung anong nakikita niyo ngayon.

“Simple lang naman ang gusto ko, yung magkaroon ng matatawag kong sariling akin.

“Alam kong may mga anak akong inako kay Cams at walang mababago dun sa pagdating ni ‘Ninja’ (nickname ng baby ko Hahaha).

“Sa lahat ng desisyon ko sa buhay, malaki ang naging parte ng mga bata at ni Cams sa kung ano ako ngayon.

“Samahan niyo kami sa bagong journey ng buhay kong ito. At sana kapulutan ng aral at inspirasyon ng marami,” pahayag pa ni Jesi.

Bumuhos ang congratulatory message kay Jesi at sa kanyang partner na si Cams at nangakong ipagdarasal na sana’y maging maayos at malusog silang pareho ni Baby Ninja.

Nakasama si Jesi bilang finalist sa “StarStruck: The Next Level” noong 2006 kasama sina Aljur Abrenica, Kris Bernal, at Paulo Avelino.

Read more...