Rastaman na kilalang ‘half-human, half-zombie’ tatakbo uling senador

Rastaman na kilalang ‘half-human, half-zombie’ tatakbo uling senador

INQUIRER file photo

SUSUBOK muling tumakbo sa eleksyon ang self-proclaimed “half human, half zombie” na si Rastaman o Rolando Plaza sa tunay na buhay.

Nag-file na siya ng certificate of candidacy (CoC) noong Sabado, October 5, sa Manila Hotel Tent City.

Ang nais niya next year ay magkaroon ng pwesto sa pagkasenador.

Matapos mag-file ng CoC, nagkaroon siya ng talumpati kung bakit nais niyang tumakbo sa 2025 midterm elections.

“Kaya napunta ako sa politika kasi dalawa ang himala na batas na gagawin ko. Ang tao, nagkakaroon ng medalyon para proteksyon [na] hindi tayo magkasakit.

Baka Bet Mo: Boy Abunda sa pagtakbo sa 2025 elections: Wala talaga sa bituka ko!

“Nagdadasal tayo sa Panginoon para tayo ay –kumbaga, humaba pa ang buhay natin at tsaka para sa buhay ay kaya nating itaguyod [ang pamilya],” sey niya.

Patuloy ni Rastaman, “Ngayon, para sa bayan natin, ang medalyon natin ay para hindi tayo ma-bully ng ibang bansa.

“Kailangang may medalyon tayo: Panginoon at tsaka kasangga na ibang bansa. ‘Yun ang pinakahimala na hindi tayo ma-bully.”

“Tayo ay binu-bully at inaangkin ang karagatan kaya dapat tayo may medalyon –’yung kasangga natin,” aniya pa.

Kung matatandaan, taong 2019 nang una siyang mag-file ng CoC upang maging senador, ngunit siya ay na-disqualified matapos ideklarang “nuisance candidate” o napatunayang nanggugulo lamang sa halalan.

Si Rastaman ay sumikat matapos ang isang interview niya na sinasabi niyang siya ay “half-human, half-zombie.”

Read more...