Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa tatakbong mayor sa Leyte

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa tatakbong mayor sa Leyte

PHOTO: Facebook/Care Win

MUKHANG sumusunod sa yapak ng kanyang yumaong ama ang self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa.

Ito’y matapos siyang mag-file ng Certificate of Candidacy (CoC) bilang alkalde ng kanyang hometown sa Albuera sa Leyte province.

Matatandaang ito rin ang naging posisyon ng pinaslang niyang ama na si Mayor Rolando Espinosa.

Sa Facebook, makikitang pinalitan niya ang kanyang palayaw na imbes na Kerwin, naging “Care Win” na siya.

Sa isang post, proud niyang ibinandera ang ilang litrato na hawak niya ang kopya ng kanyang CoC.

Baka Bet Mo: Karen Davila: Takot ka sa presidente o sa boss mo pero hindi ka takot sa Diyos?

Ayon sa kanya, siya ay nag-file nito noong Martes, October 1, at ang mga kasama niya riyan ay ang mga kakandidato rin sa ilalim ng Bando Espinosa- Pundok Kausaban (BE-PK) party.

“Thank you so much to all the supporters who attended,” caption pa niya sa post.

Ayon sa mga ulat, ang makakalaban ni Kerwin sa pwesto ng pagkaalkalde ay ang incumbent mayor na si Sixto Dela Victoria.

Magugunitang last year lamang nang lumaya sa pagkakakulong si Kerwin matapos ibasura ng Regional Trial Court ng Baybay City ang kaso laban sa kanya dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Taong 2016, isa siya sa mga personalidad na inakusahan ng dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa illegal drug trade sa Eastern Visayas.

Ito ay matapos ang isinagawang raid malapit sa bahay ng mag-ama na ang natuklasan ng mga awtoridad ay may halagang P11 million ng shabu. 

Ang ama ni Kerwin ay nag-surrender sa kalagitnaan ng 2016, ngunit siya ay pinatay sa loob ng kulungan ng Baybay City.

Read more...