MARAMING pelikula ang muling masisilayan sa big screen ngayong buwan ng Oktubre!
Bukod sa ilang bagong movies, maraming blockbuster movies ang nagbabalik kagaya ng “Joker,” “Superman,” “Smile,” at “Venom.”
Narito ang watch list na talaga namang kaabang-abang for this month:
Joker: Folie à Deux
Mapapanood na sa mga lokal na sinehan ang pinakabagong pelikula ng 2019 hit na “Joker” –ang “Joker: Folie à Deux” na pinagtatambalan ng Oscars winners na sina Lady Gaga at Joaquin Phoenix.
Baka Bet Mo: ‘Minecraft’ video game pelikula na, bida sina Jack Black, Jason Momoa
Napanood na namin ang musical psychological thriller film at kakaibang chemistry ang nasilayan namin sa dalawang sikat na Hollywood stars!
Muling ginagampanan ni Joaquin ang role bilang “Clown Prince of Crime” na si Joker, habang si Lady Gaga si Harley Quinn.
Bongga ang Philippine premiere nito na ginanap noong Huwebes, October 1, sa SM Aura IMAX Laser dahil talagang crystal clear ang visuals at audio ng pelikula kumpara sa iba.
The Wild Robot
Humandang maluha at ma-inspire sa kwento ng pagkakaibigan sa pamamagitan ng bagong animated film na “The Wold Robot” na ipapalabas na sa October 9.
Ang pelikula ay hango sa number one New York Times bestseller na libro na may parehong titulo na mula sa panunulat ni Peter Brown.
Ang epic adventure ay iikot sa kwento ng isang robot na pinangalanang si “Roz.”
Mapapanood na napadpad ang robot sa isang isla kung saan niya natutunang mamuhay kasama ang ilang wild animals.
Ang mga magbibigay-buhay sa mga karakter ng animated movie ay sina Lupita Nyong’o, Pedro Pascal, Catherine O’Hara, Bill Nighy, Kit Connor, Mark Hamill, at Stephanie Hsu.
Super/Man: The Christopher Reeve Story
Tiyak na inspiring din ang ipapalabas na documentary film sa October 16 na pinamagatang “Super/Man: The Christopher Reeve Story.”
Isa itong documentary film na tungkol sa legendary American actor na si Christopher Reeve.
Para sa mga hindi aware, ang aktor ang bumida sa apat na pelikula ng tinaguriang Man of Steel na si Superman.
Ipapakita sa dokumentary ang naging buhay ni Christopher matapos ang “horse riding accident” noong 1995 na nagdulot ng kanyang pagkaparalisa, pati na rin ang kanyang pagiging aktibista na ipinaglalaban ang mga karapatan ng may kapansanan.
“This film includes never-before-seen intimate home movies and an extraordinary trove of personal archive material, as well as the first extended interviews ever filmed with Reeve’s three children about their father, and interviews with the A-list Hollywood actors who were Reeve’s colleagues and friends,” pagbubunyag ng Warner Bros. Pictures sa isang pahayag.
Smile 2
Kasabay ng nasabing docu film, magbabalik ang psychological supernatural horror film na “Smile.”
Ito ang “Smile 2” na pinagbibidahan nina Naomi Scott, Rosemarie DeWitt, Lukas Gage, Raúl Castillo, at Kyle Gallner.
Heto ang synopsis ng pelikula:
“About to embark on a new world tour, global pop sensation Skye Riley (Naomi Scott) begins experiencing increasingly terrifying and inexplicable events. Overwhelmed by the escalating horrors and the pressures of fame, Skye is forced to face her dark past to regain control of her life before it spirals out of control.”
Venom: The Last Dance
Isa sa mga pelikula na hindi dapat palagpasin ngayong buwan ay ang pinakabagong pelikula ng “Venom.”
Ito kasi ang huling franchise ng nasabing trilogy na umiikot sa binansagang most complex fictional characters ng Marvel Universe.
Ang bibida pa rin diyan ay ang English actor na si Tom Hardy bilang si “Eddie Brock” at “Venom.”
For sure na punong-puno ng bakbakan at maaksyong eksena ang “Venom: The Last Dance” na mapapanood na sa October 23.
The Colors Within
Tulad ng bagong “Venom” movie, ipapalabas na rin sa October 23 ang critically-acclaimed anime film na “The Colors Within” na mula sa direksyon ng Japanese animator na si Naoko Yamada, ang gumawa rin ng hit anime series na “K-On!”
Ang pelikula ay iikot sa kwento ng isang high school student na nakikita ang iba’t-ibang “kulay” ng mga tao.
“High school student Totsuko (Sayu Suzukawa) can see the ‘colors’ of others – colors of bliss, excitement, serenity, and many others. She forms a band with fellow student Kimi (Akari Takaishi), who gives off the most beautiful color Totsuko has ever seen. Rounding out their band is Rui (Taisei Kido), a music enthusiast they meet in a far corner of town,” saad sa synopsis na mula sa Encore Films.
Ang “The Colors Within” ay nagwagi na ng “Best Animation Film” sa Golden Goblet Award na ginanap sa 2024 Shanghai International Film Festival.