Gerald iginiit na hindi tatakbo sa eleksyon: ‘Nagagamit ko naman platform ko’

Gerald iginiit na hindi tatakbo sa eleksyon: 'Nagagamit ko naman platform ko'

PHOTO: Instagram/@andersongerladjr

NGAYONG maraming celebrities ang tatakbo sa 2025 elections, muling naitanong ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson kung may balak siyang pasukin ang politiko.

Sa interview ng ABS-CBN, iginiit ni Gerald na kuntento na siya sa kanyang plataporma na kung saan ay marami rin siyang natutulungan.

“I’m just happy to be in a position where I can also help. Nagagamit ko naman ‘yung platform ko eh,” sey niya.

Paliwanag pa ng aktor, “May mga kaibigan ako in politics, alam ko, napakahirap nu’n. I wouldn’t jump into something na hindi ako handa, or hindi ko pinag-aralan because [people’s] lives are at stake.”

“It’s not a really reason na kaya sumugod sa baha ay para pasukin ang isang bagay na wala kang alam or hindi ko napag-aralan. But I’m very happy because I have friends with powerful positions that help me with my platforms,” ani pa ni Gerald.

Baka Bet Mo: Gerald sa pagliligtas ng buhay: That’s the feeling na hindi mo mabibili

Magugunita noong Agosto, isang source ang nakapagsabi sa amin na may ilang grupo na kinukumbinsi si Gerald na kumandidato sa pagkakongresista sa magaganap na eleksyon sa darating na 2025.

Nauna nang sinabi ni Gerald sa dating interview, “Okay na ‘ko sa ganito, because I still have the opportunity para makatulong para sa bayan.”

“And also isa sa mga motivation ko is to work harder to maintain or keep my celebrity status kasi ang laking tulong niya talaga and as much as possible, ginagamit ko sa tama,” tugon niya.

Patuloy pa ni Gerald, “Aaminin ko kasi may mga kaibigan din akong mga politiko, may mga nakausap din ako dahil sa ibang projects ko, ‘yung power talaga is there kung gusto mo talagang tumulong at mas impactful.”

Matatandaang marami ang humanga at bumilib sa aktor nang mag-viral ang ginawa niyang pagtulong sa mga na-trap sa kanilang mga bahay noong kasagsagan ng pag-ulan at pagbaha sa Metro Manila dulot ng bagyong Carina at ng habagat.

Bago pa ito, aktibo rin ang Kapamilya star sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan nating kababayan bilang bahagi na rin ng reserved force ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Read more...