Rob Gomez may planong pasukin ang mundo ng politiko: ‘It will be me one day’

Rob Gomez may planong pasukin ang mundo ng politiko: 'It will be me one day’

PHOTO: Instagram/@robgomez.23

HOPING ang aktor na si Rob Gomez na balang araw ay sasabak din siya sa mundo ng politiko.

Inamin niya ‘yan mismo sa naging ambush interview ng ilang entertainment press sa isang event kamakailan lang.

Naitanong siya ng INQUIRER.net kung open siyang tumakbo at magkaroon ng pwesto sa gobyerno.

Ang deretshahan niyang sagot, “I would love to.”

“I look up highly to my family because of what they did. Through this naman din sila ‘diba, before show business, nag-politics. They’re great with people, obviously. That’s why they reached what they reached,” esplika ng aktor.

Baka Bet Mo: Maxene Magalona gusto pa ring magkaanak, opinyon sa pagiging ina: There is no formula for parenting…

Aniya pa, “I just hope to be there one day beside their names. To be worthy of my name.”

Dagdag niya, “I hope it will be me one day. I’m good and great with people. Besides how everybody sees me right now, so much more people love me and believe in me, I think.”

Para sa mga hindi aware, si Rob ay miyembro ng pamilyang Ejercito.

Siya ay anak ni Kate Gomez, ang kapatid ng actor-politician na si Gary Estrada at pinsan ng musician na si Eric Ejercito at aktor na si Kiko Estrada. 

Ang family patriarch nila ay ang yumao niyang lolo na aktor na si George Estregan.

Pagdating naman sa political side, siya ay may related sa dating Pangulong Joseph Estrada at mga anak nito na mga senador na sina Jinggoy Estrada at JV Ejercito.

Bilang nabanggit nga na may impluwensya pagdating sa showbiz at politiko ang kanyang pamilya, inamin ni Rob na wala siyang natatanggap na tulong upang maka-secure ng acting role.

“I do not think ever natulungan ako ng family ko in my job. Personally, sila ang lumapit sakin (companies). I hope it’s because of my skill and my passion for my job,” sambit niya.

Isa sa upcoming projects ni Rob this year ay ang pelikulang pasok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) kasama sina Jane de Leon and Enrique Gil.

Bukod diya, nabanggit din ni Rob na may isa pa siyang pelikula sa GMA at serye with HBO na malapit nang mapanood.

Read more...