Jericho ibinandera na ang pagmamahal kay Janine: My tabing-ilog date!

Jericho ibinandera ang pagmamahal kay Janine: I'm so happy, thank youuuu!

Janine Gutierrez at Jericho Rosales

PINAKILIG nina Jericho Rosales at Janine Gutierrez ang kanilang mga fans sa pinaniniwalaang pag-“Instagram official” na ng kanilang relasyon.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-post ang Kapamilya actor sa kanyang IG page ng sinasabing patungkol sa tunay na status ng relationship nila ni Janine.

Nag-share si Jericho sa kanyang Instagram feed ng photo nila ni Janine na kuha sa kanilang National Museum date sa Manila noong July, 2024.

Nag-viral noon ang mga litrato nila ng aktres sa naturang museum na ipinost ng ilang netizens pero ngayon ay mismong mga litrato na mula kay Echo ang makikita sa kanyang IG page.

Baka Bet Mo: Janine sa pag-amin ni Jericho na ‘currently dating’ sila: It’s been fun!

Para raw talaga ito sa pagdiriwang ng 35th birthday ni Janine. Ang isinulat niyang caption ay, “Happy birthday to my museum / tabing-ilog date @janinegutierrez.”

Ang sagot naman ni Janine sa IG post ni Jericho, “I’m so happy, thank youuuuuu! (heart emojis).”


Bukod dito, ibinahagi rin ng Kapamilya actor ang mga sweet pictures nila ni Janine habang namamasyal sa isang lugar kung saan makikita ang view ng Pasig River.

Nilagyan niya ito ng birthday cake, heart, sunflower at sheep emojis. Kung matatandaan, very significant ang “sunflower” sa relasyon ng lead stars ng ABS-CBN series na “Lavender Fields.”

Ito rin kasi ang ginamit ni Janine nang i-describe kung anong lagay ng kanyang puso ngayon. Nakakita raw kasi siya ng liwanag sa kanyang personal life.

Sey naman ni Jericho, “sunflower” din daw ang estado ng puso niya ngayon dahil gustung-gusto niyang nakakakita ng liwanag.


Last August, inamin nina Jericho at Janine na nasa “dating” at “getting to know each other” stage pa lamang sila pero mas marami ang naniniwala na matagal-tagal na silang magdyowa.

Sa isang panayam, inilarawan ni Echo si Janine na, “She talks calmly, a sweet person who’s like, almost never upset about anything. She handles herself really well, with such humility.

“She’s this type of person that, okay, a ‘no’ is a ‘no’ and a ‘yes’ is a ‘yes’ and she knows her decisions and she does it in a very smooth and soft, tender kind of way,” sey ni Jericho.

Read more...