NAKAUWI na sa Pilipinas si Marian Rivera, pero until now ay mukhang may hangover pa siya sa kauna-unahan niyang Milan Fashion Week.
Sa panayam ng GMA Integrated News, inamin ni Marian na tila nananaginip pa rin siya sa naging experience niya.
“Hindi rin ako masyadong makapaniwala dahil sabi ko parang hindi ko naisip na mangyayari ‘to sa buhay ko,” sey niya.
Kasunod niyan ay proud niyang ibinandera ang nagsisilbi niyang “lucky charm” during the fashion week abroad.
At siya’y walang iba kundi ang kanyang mister na si Dingdong Dantes na talagang sinamahan siya sa mga event.
Baka Bet Mo: Marian buwis-buhay mga eksena sa Balota; jackpot sa endorsements
“Mas komportable ako tsaka alam kong okay ako [pag kasama si Dingdong],” sambit niya.
Paliwanag pa ni Marian, “Although kasama ko ‘yung glam team ko, iba pa rin siyempre ‘pag nandiyan si Dong kasi talagang siya ‘yung nagbibigay sa ‘kin ng lakas ng loob.”
Noong nakaraang buwan, inanunsyo ng sikat na Italian makeup brand na magkakaroon ng debut sa Milan Fashion Week si Marian bilang Philippine brand ambassador.
Makikita sa ilang Instagram posts ng celebrity mom na bukod sa nag-dinner siya kasama ang CEO ng nasabing makeup brand, na-meet at nakilala niya rin ang ilang kapwa-ambassadors at iba pang influencer mula sa iba’t-ibang bansa.
“My heart overflows with gratitude after an unforgettable evening in Milan, shared with Simone Dominici, CEO of Kiko Milano. Listening to him inspired and excited me even more about what’s to come for the brand and its growth,” caption niya sa isang IG Reel.
Kasunod niyan ay may post din siya na ibinabandera ang kanyang mister sa dinaluhang fashion week events.
“Forever my date, my favorite person to share every moment with. Love you always! [red heart, rose emoji],” wika niya.
Samantala, ang latest movie ni Marian na “Balota” ay mapapanood na sa October 16.
Kung matatandaan, una itong ipinalabas sa Cinemalaya Film Festival 2024 na kung saan siya ay nakatanggap ng “Best Actress.”