Marco kinuwestiyon pagtakbo sa kongreso, bumuwelta: ‘Masipag ako’

Marco kinuwestiyon pagtakbo sa kongreso, bumuwelta: 'Masipag ako'

Marco Gumabao at Cristine Reyes

MAGKAKAIBA ang reaksyon ng mga netizens nang mabalitang tatakbong congressman ang aktor na si Marco Gumabao sa 4th District ng Camarines Sur sa darating na 2025 elections.

May mga aprub sa pagsabak ng boyfriend ni Cristine Reyes sa mundo ng politika pero marami rin ang kumuwestiyon sa kanyang kakayahan at edukasyon.

Sa kanyang Instagram page, ibinalita ni Marco ang desisyon niyang kumandidato sa darating na eleksyon kalakip ang litrato nila ni Cristine na kuha nang mag-file siya ng certificate of candidacy (COC) kahapon.

Baka Bet Mo: Maine, Arjo nagpakaligaya sa ‘paradise’, hirit ng mga netizens: ‘2nd honeymoon yarn!?’

Aniya sa caption, “Today marks a new journey

“Para sa ’kin, simula ‘to ng isang malaking yugto sa aking buhay. Panibagong simula na sigurado ako makaka gawa ng malaking epekto hindi lang para sa sarili ko, kundi sa buong 4th district ng CamSur.

“Buo ang loob ko na lumaban para sa pagbabagong matagal nang inaasam, pagbabagong matagal na dapat pinaramdam sa Partido.


“Maraming salamat sa #TeamOneCamSur! Sigurado ako na madami pa tayo pwedeng magawang mga programa at proyekto para mas lalong ma tulungan ang lahat ng Bikolano! @lrayvillafuerte @vincenzo.luigi @migzvillafuerte @hori_horibata @nonoy_magtuto @salfortunojr #KaFuerte.

“As a Christian, I believe that we are called in this world to be of service to others, and not to be served. Mark 10:45.

“Ako po si Marco Imperial Gumabao, at sisiguraduhin ko, na ang serbisyo ang laging mangingibabaw,” ang buong pahayag ng aktor.

Sa comments section ng kanyang IG post, may netizen na kumuwestiyon kung karapat-dapat ba siyang kumandidato bilang house representative ng District IV ng CamSur kung saan nagmula ang kanilang pamilya.

Sinagot ito ni Marco ng, “Your question is very valid and thank you for asking.


“I understand the stigma against actors running for politics na iniisip ng iba na di nila sineseryoso yung position na tinatakbo nila. And here I am to break that.

“At a young age, I was exposed to public service already because I have family members who were public servants before,” paliwanag ng binata na anak ng dating aktor na si Dennis Roldan na naging konsehal at congressman sa 3rd District ng Quezon City.

Nakakulong pa rin ngayon si Dennis sa Bilibid Prison si Dennis matapos mahatulan ng life imprisonment dahil sa kasong kidnapping noong 2005.

Depensa pa ni Marco, “It has always been in my heart to use my platform to help people. With studies, I studied in Ateneo from prep to 4th year then studied AB Psych in DLSU.

“I’m currently taking up Philippine Governance, policy making, and economics in UP NCPAG (UP National College of Public Administration and Governance), which I’m finishing this month.

“I’m not here to say that I’m the smartest or I know it all but, one thing is for sure, my work ethic is something I’m very proud of.

“Masipag ako lalo na pag gusto ko ang ginagawa ko, maayos ako makitungo sa tao and, above all, I genuinely wanna help. Thank you,” lahad pa ng partner ni Cristine Reyes.

Matatandaang tumakbo rin ang kapatid ni Marco na si Michele Gumabao noong 2022 elections bilang second nominee ng Mothers for Change (Mocha) partylist. Ang first nominee nila noon ay si Mocha Uson. Hindi sila sinuwerteng makapasok sa  kongreso.

Read more...