TILA nagpapahiwatig ng pagtakbo sa darating na 2025 midterm elections ang dating Manila mayor na si Isko Moreno.
Sa kanyang latest Facebook post nitong Martes, October 1, sinabi nitong dinidinig niya ang “sigaw” ng mga residente ng Maynila.
“I will see you soon! Dinidinig ko ang sigaw ninyo, dinidinig ko ang panawagan ninyo. Mahal ko kayo, mga Batang Maynila,” saad ni Isko sa kanyang post.
Ibinahagi rin ito ng dating alkalde sa mismong unang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa mga taong balak tumakbo sa darating na eleksyon.
Baka Bet Mo: Isko Moreno mas pipiliin pa rin ang politika kesa sa showbiz, pero…
Agad ngang umani ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol lalo na ng mga Manilenyo.
“Yorme Isko moreno ibalik mo ang manila ulit na malinis pagandahin mo ulit bumalik kna,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Malungkot ang maynila ng wala ka [sad face emoji] kya muli ka nmin iluloklok sa pwesto mo. Buong pamilya nmin syo ang boto.”
“You’re back boss yorme isko, you will win, lagpasan mo pa yung 1st term mo, ang galing kasi ng ginawa mo sa manila, isa ka sa mga inspirasyon ng manila, may awa ang Dios, Sabi mo nga… Godbless,” sey naman ng isa.
May mga lumabas na balita na muli umanong tatakbo ang aktor bilang mayor nd Maynila kasama si Angela Lei “Chi” Atienza na siya namang tatakbo bilang Vice Mayor.
Samantala, wala pa namang pormal na paghahain ng kandidatura si Isko sa kanyang pagtakbo.
Noong huling 2022 National Elections lang nang tumakbo si Isko sa pagkapresidente ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito nanalo.