Louise never naging BF si Alden, na-hurt nang sumikat ang AlDub dahil…

Louise never naging BF si Alden, na-hurt nang sumikat ang AlDub dahil...

Louise delos Reyes, Bea Binene, Alden Richards at Maine Mendoza

NEVER naging boyfriend ng aktres na si Louise delos Reyes ang dati niyang ka-loveteam sa GMA 7 na si Alden Richards.

Hanggang special friends lang daw talaga ang inabot ng kanilang relasyon noong kasagsagan ng tambalan nila sa Kapuso Network kung saan ilang teleserye rin ang kanilang pinagbidahan.

Muling nagbalik sa GMA si Louise para sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon, October 1, kasama ang isa pang dating Kapuso star na si Bea Binene.

Isa sa mga natanong ni Tito Boy kay Louise ay kung nagkaroon ba sila ng relasyon noon ni Alden dahil nga ilang taon din silang naging magka-loveteam.

Baka Bet Mo: Louise delos Reyes sa pakikipag-live in sa BF: Parang kasal din, wala lang papel

“Naging kayo ni Alden?” diretsahang tanong ni Tito Boy kay Louise.

“No,” ang mabilis namang sagot ng aktres.

Esplika ni Louise, “Kasi may pumasok na po agad na nanligaw na pursigido.”


Nabanggit din ng aktres na talagang naapektuhan siya noon nang pumutok ang loveteam nina Alden at Maine Mendoza na AlDub. Palagi raw kasi siyang nadadamay kapag napag-uusapan ang AlDub.

“Pero ngayon kasi nasa posisyon, especially ako na better headspace, dati kasi siyempre iniisip mo ‘Ano ba ‘yan bakit palaging dinadawit ako?’

“Lahat na lang ng sabihin ko mali at dinadamay pa ang nanay ko, yung family ko,” pagpapatuloy pa niya.

Pero sey ni Louise, naiintindihan na niya ang pinanggagalingan ng mga fans noong kasagsagan ng kasikatan ng AlDub na nagsimula sa phenomenal Kalyeserye ng “Eat Bulaga.”

“Ngayon, naiintindihan ko where they are coming from. So mas okay na ako ngayon in terms of handling those kinds of bashing,” chika pa ni Louise.

Bumida noon sina Alden at Louise sa mga Kapuso series na “Alakdana” (2011), “One True Love” (2012), at “Mundo Mo’y Akin” (2013).

Read more...