Heart, Pia nag-isnaban nga ba sa Hermès Fashion Show sa Paris?

Heart, Pia nag-isnaban nga ba sa Hermès Fashion Show sa Paris?

Heart Evangelista, Pia Wurtzbach at Kelsey Merritt

TRUE kaya ang chika na kahit nagkita at halos magkatabi na sa naganap na Hermès Fashion Show sina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach ay hindi pa rin sila nagpansinan?

Yan ang usap-usapan ngayon ng mga Marites sa social media matapos um-attend ang dalawang pinagsasabong na aktres at fashion icon.

Balitang sabay na nagpunta sa Hermès Fashion Show sa Paris ang Kapuso star at ang ating Miss Universe 2015 base na rin sa Instagram post ng “L’Officiel Malaysia”. Bukod kina Heart at Pia, nakasama rin nila roon ang Filipino-American model na si Kelsey Merritt.

Baka Bet Mo: James Reid kumasa sa hamon ni Mimiyuuuh matapos matsismis kay Kelsey Merritt: ‘You ready for mature roles?’

“Spring/Summer 2025 collection is all about versatility where lightness and practicality reign supreme. Standouts were a long zip-down skirt, an apron dress in brown and a wrap dust coat,” ang nakasaad sa caption ng naturang IG video.


Naka-tag pa ito sa Instagram accounts nina Heart, Pia, at Kelsey. Pero hindi makikita sa video kung nagkaharap sina Pia at Heart.

Base sa video na napanood namin at sa ilang litratong naka-post sa socmed, nasa front seat ng venue si Heart habang kachika si Kelsey. Nasa likod naman ni Kelsey si Pia.

Iba’t iba ang naging reaksiyon ng netizens sa mga eksena nina Heart at Pia sa naturang fashion event. Karamihan sa mga nagkomento ay naniniwalang nagdedmahan ang dalawang aktres.

“Ang awkward. Nasa likod lang nina Kelsey and Heart si Pia.”

“Hindi man lang isinama sa chikahan si Pia.”

“Pia, how was is to be seated at the back of Ms Heart?”

“Nakakaloka ‘yong nasa iisang area lang sina Heart at Pia.”

“Nag-usap kaya sina Heart at Pia?”


“Kelsey and Heart in one video and beside each other in the front row. Maybe Pia can join in with your chika? She’s just right behind you guys hehe.”

“Maganda si Pia as a model. Pero fashion influencer? Pano sya pag walang stylist? Pag fan ka ni pia pagdating sa fashion, yay! Baduy ka! Kadireeee. Haha!”

“Pia is a beauty queen thats all un lang kung bat sya nasa mga fashion shows but when it comes to socializing, sorry wala sya friends and nobody talks to her except interviews and candid photos.. Source : I was once in an event.”

Habang isinusulat namin ang artikulong ito ay wala pang reaksiyon sina Heart at Pia tungkol sa chikang hindi sila nag-usap o nagpansinan man lang sa katatapos lamang na event.

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ng dalawang reyna.

Read more...