Havey o waley: Holiday pay para sa mga guro habang summer break?
BILANG bahagi ng pagdiriwang ng World Teachers’ Day, tinalakay ng episode ng “CIA with BA” nitong Linggo, Setyembre 29, ang mga katanungan kaugnay sa karapatan at benepisyo ng mga guro.
Nilinaw din niya na hindi obligasyon ng mga private school na magbigay ng holiday pay sa panahon ng mga bakasyon tulad ng summer at semestral breaks.
“Walang nagbabawal kung gusto nung private school pero marami sa kanila, challenged din sa finances so hindi sila obliged or hindi obligasyon under the law na bayaran nila ng holiday pay (ang teachers) during summer breaks or semestral breaks,” dagdag ng senador.
Baka Bet Mo: Bilang ng mga artista na bumibilib sa JC Organic Barley, dumarami
Isa pang isyung binanggit ay tungkol sa pagiging probationary employee kahit na mahigit isang taon nang nagtuturo ang isang guro o college professor.
“Ang general rule (para sa mga empleyado) ay pagkatapos ng anim na buwan, kailangan i-regular ka na,” aniya pa.
Gayunpaman, ipinaliwanag niya ang exemption para sa mga professor, “Ang batas mismo ang nagsasabi na pagka ikaw ay isang professor, three years.”
“Sa teachers kasi, hindi mo basta-basta ma-assess ‘yan ng one year na pagtuturo so ang binibigay ng batas, three years bago ma-regular,” dagdag niya.
Ang “CIA with BA” ay nagpapatuloy ng pamana ng yumaong Sen. Rene Cayetano at umere tuwing Linggo, 11 p.m. sa GMA 7, na may replay sa GTV tuwing Sabado, 10:30 ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.