Maine, Julie Anne, Alamat mas pinabongga ang ‘perya game’ launch

Maine, Julie Anne, Alamat mas pinabongga ang 'perya' game launch

Julie Anne San Jose, Maine Mendoza, Jasper Vicencio, Eusebio Tanco at Alamat

SUPER nag-enjoy kami sa mga pasabog na performance ng Limitless Star na si Julie Anne San Jose at ng P-pop group na Alamat sa dinaluhan naming event last Sunday, September 29.

Ang tinutukoy namin ay ang bonggang launch ng BingoPlus, ang nangungunang plataporma ng bansa pagdating sa digital entertainment, para sa kanilang latest project.

Ito ay ang pinakabagong perya game na Pinoy Drop Ball na talaga namang na-enjoy ng members ng entertainment media at vloggers na ginanap sa Grand Hyatt Manila sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Baka Bet Mo: Melai, Jason nag-ala Marian at Dingdong sa Preview Ball, netizens tawang-tawa

In fairness, wala pa ring kupas si Julie Anne pagdating sa live performance na birit kung birit that night habang humataw naman nang bonggang-bongga ang grupong Alamat.


Siyempre, nakisaya rin sa event ang ambassador ng BingoPlus endorser at “Eat Bulaga” Dabarkads na si Maine Mendoza na game na game na nakipagchikahan sa mga guest.

In fairness, lutang na lutang ang ganda at kaseksihan ni Maine that night kaya naman marami ang napakomento na sure na sure sila na maligayang-maligaya ngayon ang TV host sa piling ng kanyang asawang so Arjo Atayde.

Anyway, ang latest palaro na ineendorso ni Maine ay tinaguriang “homegrown creation” o nilikha ng mga Pinoy para sa mga Pinoy, upang ibalik ang pakiramdam ng karanasang perya na kinagisnan noon ng mga Pilipino.

Ang Pinoy Drop Ball ang kauna-unahang live-streamed na drop ball game sa Pilipinas, at nagtatakda ito ng panibagong pamantayan sa digital perya gaming sa bansa.

Baka Bet Mo: Celebrity couples patalbugan ng OOTD sa ABS-CBN Ball 2023; Kathryn, Daniel agaw-eksena sa pagrampa sa red carpet

“Bilang isang brand na nirerespeto ang kulturang Filipino, misyon naming iangat ang tradisyonal na Pinoy entertainment upang makasabay sa modernong panahon.


“Katulad ng minahal na mga Pilipinong laro gaya ng Bingo Mega, Color Game, Papula Paputi, ipinapangako ng Pinoy Drop Ball na pasasabikin ang mga manlalaro at mas lalo pang mahihikayat na sumali sa BingoPlus Platform,” ani DigiPlus Interactive Corp. Chairman Eusebio H. Tanco sa naganap na grand reveal.

Kaya kakaiba ang Pinoy Drop Ball ay dahil naglalatag ito ng nakasasabik na pagkakataon na manalo ng malaki mula sa mga multiplier. Kasabay ng pakiramdam na naglalaro ng isang perya game, nakikipaglaban din ang mga manlalaro para sa mga premyo.

Bawat inspeksyon ng mga kagamitan at ng laro ay maiging inobserbahan ng mga opisyal ng PAGCOR upang garantisadong tapat ang resulta ng bawat round, at sumusunod sa istriktong regulasyon.

Dagdag pa rito, magpapalit ng host ang BingoPlus kada 30 minuto upang bigyang-konsiderasyon ang iba-ibang paraan na inihahagis ang bola.

Sa paglulunsad ng Pinoy Drop Ball, ipinagpapatuloy ng BingoPlus na baguhin at pagandahin ang danas ng mga Pinoy sa mga laro na minahal nila nang ilang henerasyon.

Read more...