SUMUSUMPA ang Kapamilya star na si Andrea Brillantes na walang bahid ng katotohanan ang ibinibintang sa kanya patungkol sa magaganap na concert ni Olivia Rodrigo sa Pilipinas.
Isang malaking fake news daw ang akusasyon sa dalaga na nakakuha na raw siya ng ticket para sa concert ni Olivia sa October 5 sa Philippine Arena, Bulacan.
Ayon kay Andrea, sana raw ay tigilan na ng ilang indibidwal ang pagpapakalat ng pekeng balita tungkol sa kanya sa social media.
Sa pamamagitan ng kanyang X account, ipinost ni Andrea ang screenshots ng naging comment niya sa isang TikTok post kung saan nakasaad ang chika na naka-secure na raw siya ng physical ticket ng concert ni Olivia.
Mababasa sa post ng isang netizen, “Many of us have been waiting for two weeks for our tickets, and we feel very wronged to have this outcome, especially now that there has been a post made by Andrea Brillantes about having physical tickets despite them supposedly not being available until September 28.”
Esplika naman ni Andrea sa ipinakalat ng pekeng balita sa socmed, “Posting this here since the owner deleted the video and walang nakakita sa comment ko!”
Pagpapatuloy ng aktres, “I rarely address comments or posts like these, but Olivia’s GUTS album means a lot to me. Honestly, po, I have no idea about the post you’re referring to.
“I NEVER posted anything like that, and it would’ve been IMPOSSIBLE because I didn’t even have a physical ticket before the 28th,” dagdag ni Andrea.
“I understand the frustrations po, I really do, but I don’t see why it’s necessary to drag my name into this and spread misinformation po.
“Regardless of my ‘status’ or whatever, I’m also just a fan of Olivia and want to enjoy the GUTS tour,” sey pa ng Kapamilya star.
Aminado naman si Andrea na talagang excited na siyang mapanood ang concert ni Olivia Rodrigo dito sa Pilipinas.
Marami naman ang nagulat nang i-announce sa publiko na P1,500 lamang ang flat rate sa ticket para sa October 5 concert ng award-winning international artist.