Ion Perez nag-file na rin ng COC, tatakbong konsehal sa Tarlac

Ion Perez nag-file na rin ng COC, tatakbong konsehal sa Tarlac

CONFIRMED! Tatakbo nga sa magaganap na Eleksyon 2025 ang TV host-model at aktor na si Ion Perez.

Isa sa mga artistang naghain ng kanilang kandidatura sa unang araw ng filing of Certificate of Candidacy ang partner ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda.

Tatakbo si Ion bilang konsehal ng Concepcion, Tarlac, base na rin sa mga naglabasang ulat at litrato sa social media.

Personal na nagtungo ang  aktor sa tanggapan ng Comelec sa Concepcion para mag-file ng COC ngayong Martes, October 1, para kumandidatong konsehal next year.

Baka Bet Mo: Ion Perez umaasang sila pa rin ni Vice hanggang sa pagtanda: Until 2090!

Bago pa man ang filing ng COC, nauna nang nanumpa si Ion bilang bagong kasapi ng Nationalist People’s Coalition  na ginanap sa municipal hall ng Concepcion.

Isa ang karelasyon ni Vice sa mga tatakbong konsehal ilalim ng partido ni Tarlac Governor Susan Yap.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang inilalabas na statement si Ion hinggil sa pagsabak niya sa politika. Hindi pa rin nagsasalita si Vice tungkol dito.

Read more...