MAY nag-push daw sa content creator at negosyanteng si Rosmar Tan-Pamulaklakin kaya nagdesisyon siyang tumakbo sa Eleksyon 2025.
Isa si Rosmar sa mga celebrities na naghain ng kandidatura sa unang araw pa lang ng filing of certificate of candidacy (COC) (October 1) para sa magaganap na midterm elections next year.
Tatakbong konsehal ng 1st district ng Maynila ang ang social media personality.
Baka Bet Mo: Rosmar Tan na-scam ng P5M, life story ipalalabas daw sa TV: Kinasuhan ko
Ayon kay Rosmar, na nakapanayam ng media ngayong araw, wala raw talaga siyang balak tumakbo sa susunod na taon nguniy may mga nagtulak at nagkumbinsi sa kanya na subukan na rin ang public service.
“Sa totoo lang, tulad ng lagi kong sinasabi, wala naman po akong balak tumakbo dahil dagdag sakit sa ulo, dagdag-obligasyon, dagdag-responsibilidad.
“Pero kasi may nag-push po sa akin na tumakbo ka kasi kailangan ka ng tao, kasi kailangan nila ng tunay na pagbabago,” pahayag ni Rosmar.
Nabanggit din ni Rosmar na mula pa noong bata pa lamang siya ay talagang tumutulong na siya at naniniwala siya na kapag nagkaroon na siya ng posisyon sa gobyerno ay mas marami pa siyang matutulungan.
Ipinagdiinan din niya na hindi mga politiko ang nagkumbinsi sa kanya na tumakbong konsehal kundi isang private citizen na matagal na niyang kaibigan.
Sey pa ng vlogger, tatakbo siya bilang independent candidate at hindi siya konektado sa anumang political party.
Ito na ang ikalawang beses na tatakbo si Rosmar sa eleksyon. Natalo siya noong unang beses na magtangkang pasukin ang mundo ng politika dahil daw sa kakulangan ng panahon sa kampanya at kapapanganak pa lang daw niya nu’ng panahong yun.