Chloe may pabakat na nipples, aprub kay Carlos pero mga nanay nabastusan

Chloe may pabakat na nipples, aprub kay Carlos pero maraming nabastusan

Chloe San Jose

GUMAWA na naman ng ingay ang girlfriend ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose dahil sa mga bagong photos na ipinost niya sa Instagram.

Iba-iba ang reaksyon ng mga netizens nang makita ang mga litrato ni Chloe sa Facebook na bakat ang utong o nipples sa suot niyang hapit na hapit na puting t-shirt.

Hindi lang namin sure kung sinadya talaga ng dyowa ni Carlos na mag-selfie na bakat ang kanyang nipples at ibandera ito sa social media para makita nang buong universe.

Ang tanging caption ni Chloe sa kanyang kontrobersyal na pabakat na mga litrato at cherry emoji at isang face emoji na nagtatakip ng mata.

Isa sa mga nagkomento sa FB at Instagram post ng content creator ay ang boyfriend niyang si Caloy na nag-share ng GIF na “You’re beautiful.” Sinundan pa niya ito ng, “Oh well, that’s my baby gurl right there.”

Sinagot naman siya ng Chloe ng, “Wuvyu (I love you) my dada!”

Hati ang reaksyon ng mga netizens sa pabakat ni Chloe, may mga nagsabing kabastusan ang ipinost niyang mga photos pero ayon naman sa ilang FB at IG users, karapatan ng dalaga kung ano ang gusto niyang ipakita sa kanyang socmed account.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens na karamihan sa mga nabastusan kay Chloe ay mga nanay.

“Jusko wala na talagang magandang maidulot sa kabataan ito.”

“Bakit wala kang bra? Is that your intention talaga na magpakita ng nips?”

“Yes Chloe make them more jealous and envy, sila ang tatanda at no life, just positive vive for you and carlos.”

“Kaya nagkakaron Ng age gap communication between the young and elder generations kailangan may adjustment between them. Kasi iba na talaga mga generation Ngayon. sa iba pangit tignan sa iba nman ok lang. ako rules ko sa mga kids ko as long as namumuhay Sila Ng kabanalan at walang inaapakan ok lang.”

“These people are obsessed! If you don’t like her, dapat wala rin kayo on her socials! But clearly, you’re just obsessing on everything she posts and y’all keep on projecting your insecurities at her! lol get a life.”

Isang netizen naman ang sinupalpal ng dyowa ni Carlos na nagkomento ng, “Ssshhhh Inday Chloe Anjeleigh San Jose. I appreciate your personality and talent. But this one sounds too disturbing to the young ones. Specially to the boys. This is posted in public where all ages of people can see.

“‘Bakat yong utong’ is not appropriate to show it in public if you are portraying as a role model by linking as partner of Olympic Medalist Carlos Yulo. Preserve the essence of being a Filipina. and not that Australian!”

“Labas mga women empowerment defender Jan,” ang sabi ng netizen.

Ang resbak sa kanya ni Chloe, “Isn’t it parent’s responsibility to guide their children to not think maliciously of others?

“It’s so easy to blame and point fingers at women who dress in what they want and comfortable with and yet so hard to address the real issue, which is BOYS (not real men) being a whole as PERVERT,” ang punto pa niya.

Read more...