SSS loans, advance pension para sa ‘Yolanda’ victims | Bandera

SSS loans, advance pension para sa ‘Yolanda’ victims

Lisa Soriano - November 12, 2013 - 01:18 PM

NAG-alok Social Security System sa mga miyembro nito na apektado ng super bagyong Yolanda na maaari silang makakuha ng preferential loans at maging advanced pension payments mula sa kanilang retirement fund.

Ganito ang naging pahayag ng SSS sa kanilang kalatas na nakarating sa atin.

Ayon sa SSS ang mga miyembro ng ahensiya mula sa mga apektadong lugar ay pwede nang mag-aplay para sa kanilang salary at housing repair loans sa mas magaan na terms.

Maging ang mga pensioner ay maaari rin na mag-aplay
para sa tatlong buwang advances pensyon bilang ayuda sa epekto na dulot ng bagyo.

“Pensioners for retirement, disability or survivorship can apply for three-month advance SSS pensions to help alleviate the financial burden caused by the recent calamity,” sabi ni SSS vice president May Catherine Ciriaco.

Sa ilalim ng relief package, amg mga SSS members na may pending na pagkakautang ay maaari uling makahiram.

Bukod dito, hindi na rin pagbabayarin ng isang porsyentong service fee para sa processing ang maga-aplay ng salary loan.

Habang P3,000 naman ang hindi na pababayaran ng SSS sa mga maga-aplay para sa housing repair loans.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending