Emman Atienza rumesbak sa fans ni Nadine, BTS; Kuya Kim pinagtanggol

Emman Atienza rumesbak sa fans ni Nadine, BTS; Kuya Kim pinagtanggol

Emman Atienza at Nadine Lustre

HINDI pa rin tumitigil sa pagpatol ang anak na content creator ni Kim Atienza na si Emman Atienza sa mga bashers na nangbebengga sa kanya.

Tuloy ang pagsagot ni Emman sa mga nambabasag sa kanya dahil sa viral TikTok “Guess the Bill Challenge” video ng kanyang barkada na nangyari sa isang sosyalerang restaurant.

Binatikos si Emman at ang kanyang mga kaibigan dahil sa pagbabandera umano ng kanilang kayamanan at karangyaan sa publiko matapos umabot sa mahigit P130,000 ang binayaran nilang bill.

Nasangkot sa kontrobersiya si Emman kasunod ng pag-viral ng “Guess the bill” challenge sa TikTok noong Lunes, September 22, 2024.

Baka Bet Mo: Team Payaman inilabas ang unreleased song ni Emman Nimedez, fans napaiyak

Sa kumalat na video, naghulaan ang grupo nina Emman kung magkano ang inabot ng kanilang bill para sa kinain nilang dinner sa naturang high-end restaurant.


Hindi ito nagustuhan ng mga netizens at inakusahang “insensitive” at feeling privileged ang barkada ni Emman kasabay ng pagsasabing nangyari ito habang patuloy na dumarami ang nagugutom at naghihirap sa Pilipinas.

Agad namang ipinagtanggol ni Emman ang sarili at ang mga kaibigan sa naturang issue. “Joke” lamang daw ang napanood ng publiko sa video at wala silang binayarang malaking bill dahil nilibre sila ng kaibigan nilangg nagdiwang ng birthday.

Sa isang bahagi ng kanyang official statement, nabanggit ni Emman ang mga celebrities na sina Nadine Lustre, Taylor Swift, Olivia Rodrigo at ang super K-pop group na BTS.

Ipinost pa ng anak ni Kuya Kim ang litrato ni Nadine na nakasuot ng expensive jewelry nang mag-guest ito sa event ng isang luxury brand.

Hirit ni Emman, “Nadine Lustre at a Bulgari event, praising her saying ‘radiant as always mother.’

“If you’re gonna hate on me for being rich, you need to do the same for everyone because, guess what, your favorite celebrities not just in the Philippines, but worldwide, if you have a BTS profile picture, I don’t want to hear you talking.

“If you have Taylor’s version in your name, I don’t want to hear you talking because your favorite celebrities make more, have more, and spend more than I ever have,” aniya.

Hindi ito pinalampas ng mga tagasuporta ng mga naturang artist at sinabihan si Emman na wala itong karapatang idamay sa issue ng kanilang grupo ang kanilang mga idolo.


Ayon sa mga ito, magkaiba ang sitwasyon ni Emman kina Nadine, Taylor at sa BTS dahil tinrabaho at pinaghirapan ng mga ito kung nasaan sila ngayon.

Muli, ipinagtanggol ni Emman ang sarili sa mga fans, “I didn’t intend to drag them, i’m using it as an example. Meaning: if you’re mad at wealth, be mad at all wealth and don’t nitpick.”

Pero sinopla uli siya ng isang netizen, “Girl u were also nitpicking specific celebrities that are fairly popular too… if you intended to put them in a positive light then you didn’t.”

Banat pa ng isang netizen sa kanya, “Those celebrities are working tho. Worked hard to get to where they are. You cant see the difference?”

Tinawag pa si Emman na isang “nepo baby” dahil ipinanganak siyang mayaman. Ang tatay niyang si Kim Atienza ay isang sikat na personalidad habang ang nanay niyang si Felicia Hung-Atienza ay isang stocknroker at may-ari ng Chinese International School Manila.

Kinuwestiyon din ng bashers ang yaman ng lolo niyang si former Manila Mayor Lito Atienza. Ngunit ipinagdiinan ni Emman na “self-made” ang kanyang parents.

“My dad became financially independent before any member in my family became a prominent political figure.

“My family isn’t financially dependent on him because – like I just said – my parents are self made. He (lolo) only became mayor or any prominent political figure AFTER may dad became financially independent,” esplika pa niya.

Read more...