Laguna, Manila, Castillejos pasok sa Top 5 finalist ng Miss Grand PH 2024

Laguna, Manila, Castillejos pasok sa Top 5 finalist ng Miss Grand PH

Jubilee Therese Acosta ng Manila, Alexandra Mae Rosales ng Laguna at CJ Opiaza ng Castillejos, Zambales

PINANGALANAN na ang Top 5 finalist na magpapatuloy sa laban para sa korona at titulo ng Miss Grand Philippines 2024 pageant.

Kasalukuyang ginaganap sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay City ang grand coronation ng naturang national pageant at narito ang mga kandidata na natira na lamang sa entablado:

1. Castillejos, Zambales, CJ Opiaza

2. Pampanga, Sophia Bianca Santos

3. Manila, Jubilee Therese Acosta

4. Quirino, Anna Margaret Mercado

5. Laguna, Alexandra Mae Rosales

Sino kaya sa kanila ang tatanghaling bagong reyna?

Ang top winner ay agad na isasabak sa 2024 Miss Grand International pageant na gaganapin sa Bangkok, Thailand sa sa darating na October 25.

Baka Bet Mo: LIST: Miss Grand Philippines 2023 candidates na pasok sa Top 10

Para sa mga hindi pa aware, wala pang Pinay ang nakakapag-uwi ng nabanggit na international title, pero ang highest placement na nakamit ng ating bansa ay ang first-runner ups na sina Nicole Cordoves (2016) at Samantha Bernardo (2020).

Samantala, ang dalawa pang pinag-aagawang korona sa national pageant ay ang titulong Universal Woman 2024 at Miss Teen International Philippines 2024.

At alam n’yo ba mga ka-BANDERA, apat sa 19 na mga naggagandahang contenders ng Miss Grand Philippines 2024 pageant ay nagwagi na sa ilang prominent national competitions.

Kabilang na riyan sina Miss Universe Philippines 2023 first runner-up CJ Opiaza, Miss Manila 2024 first runner-up Jubilee Therese Acosta, Miss World Philippines 2024 2nd Princess Sophia Bianca Santos, at Miss Universe Philippines 2024 Top 20 Selena Antonio-Reyes.

Read more...