Ate Girl naiyak, gumastos ng P6K sa grocery pero nilait pa ng family

Ate Girl naiyak, gumastos ng P6K sa grocery pero nilait pa ng family

File photo/Inquirer.net

RELATE much ang maraming dyunakis (anak) sa hinaing ng isang emosyonal na babaeng hinggil sa sariling pamilya, lalo na sa kanyang mga magulang.

Na-hurt nang bonggang-bongga si Ate Girl dahil sa halip daw na magpasalamat sa pagmamalasakit niya sa pamilya ay kung anu-ano pang masasakit na salita ang napala niya.

Sa isang video na kumalat sa social media, mababasa ang hugot ng babaeng netizen na, “Adulting is very hard!”

Mapapanood sa naturang video ang sumbong ng babae matapos mag-grocery ng worth P6,000 para sa kanilang bahay.

Ngunit sa kabila nito, nakarinig pa siya ng pang-ookray at panlalait mula sa sariling pamilya.

Baka Bet Mo: Rendon sa mga kabataang palamunin at puro asa lang sa magulang: ‘Mag-isip-isip kayo dahil t*e lang kayo kapag walang narating sa buhay’

“Kung anu-ano lang daw binili ko, a little thank you could have been enough,” ang umiiyak na pahayag ng nasaktang girlalu. Sana raw ay bumili na lang siya ng branded na sapatos para sa sarili.

Himutok pa ng netize , feeling niya ay palaging hindi sapat ang naitutulong niya sa kanilang pamilya kahit pa anong gawin niya.

“I feel like kahit anong gawin ko, it would never be enough for this family. Thank you lang, konting appreciation lang, ‘yon lang. Nakakapagod.

“Minsan pakiramdam ko mahal n’yo ko, minsan ang lala n’yo! Thank you lang, kahit thank you lang,” ayon pa sa babae na masamang-masama talaga ang loob.

Sabi pa niya, pilit na lamang niyang iniintindi ang mga magulang dahil baka raw ganoon talaga ang pagpapalaki sa mga ito ng ng kanyang lolo at lola.

Nag-sorry din siya sa mga makakapanood ng video na ginawa niya dahil baka raw dumaraan lamang siya sa “quarter life crisis” kaya ganoon siya ka-sensitive dahil alam naman niya sa sarili na mabuti siyang tao.

Samantala, ni-repost ng Facebook page na “VANGOB” ang post ni Ate Girl at pinahanap ang admin nito.

“Sa nakakakilala kay ate paki sabi po message niya ako rito sa page, bigyan ko po siya nung puma palermo na gusto niya. Breadwinner din ako, ramdam kita ate,” ang nakasaad sa caption ng post.

Narito naman ang ilang comments ng netizens sa pinagdaraanan ni Ate Girl.

A lot of comments here invalidating her feelings. Kesyo, family mo naman yan, iyakin ka grocery pa lang yan eh and then comparing their struggle to hers. There’s no need for comparison. She’s hurt, she’s struggling, she just wants to let it out.”

“Us men (decent), would just say ‘ah okay I’ll do better next time.’ Ang lesson dyan, wag mo silang ipag-grocery kung alam mo na masama mga ugali. And magbitaw lang ng pera magaan sa loob.”

Baka Bet Mo: Kilalang female star magulo ang lovelife, nabuking na may kinakalantaring ibang babae ang dyowang aktor

“Opinion ko lang nmn if my problem kayo ng family mo, imbis na umiyak ka sa social media umiyak ka in front of your family para magets nila bigat na dinadala mo at san nanggagaling un? Kasi by the time na ok na kayo at magkaayos tapos nabash at nalait un family mo at kung ano anong masasakit na salita aabutin nila from other people because of what you did.”

“Stop helping ungrateful people.”

“Darling, you should never make social media as your outlet. Do you want these people na pagpyestahan ka at ng pamilya mo? People can say nice things but a lot also bad mouth your family at sa’yo. Will it make you ease or more stress you? Why not cry to Jesus instead of crying infront of your cellphone?”

“Magtanong ka muna ksi neneng sa mga magulang mo Kung ano Yun basic necessities na kailangan bilhin para sa bahay. baka anong kaeklaan lng ang binili mo na di nman mahalaga.. yeah you need to be appreciated about the act you shared but still ask them.. they want to teach you the value of spending your money.”

I’m not invalidating your feelings but when I feel so unappreciated I just lock in the room and pray. Praying helps a lot. You know in your heart you have good intentions and that is what matters. God will give you the peace that passes all understanding and you will feel way better. Hugs to you. God bless!”

“I feel you ate. So me talaga iniiyak ko na lang kasi sakin na lahat bills ,rent , sa food lahat sakin pag naubusan ng gas sakin pa din. Take note tatlo kaming magkakapatid ako ang bunso at ako ang may pamilya na may mga anak. May time na gusto ko na talaga sumuko at tinatamad na ko kasi yong sinasahod ko parang bula lang pero yong pagod ko unlimited. At hindi ko makita sakanila na great full sila nakakaiyak lang talaga.”

“See? Maraming ungrateful na magulang sa kayang ibigay ng anak nila masyado demanding.. Paswertehan talaga ng magulang sa mundong ibabaw.”

Read more...