Lana Del Rey ikinasal na ba sa alligator tour guide na si Jeremy Dufrene?

Lana Del Rey ikinasal na ba sa alligator tour guide na si Jeremy Dufrene?

PHOTO: Instagram/@honeymoon

TOTOO kaya ang kumakalat na video at pictures sa social media na ikinasal na ang international pop singer na si Lana Del Rey sa alligator tour guide na si Jeremy Dufrene?

Ayon sa report ng Daily Mail UK, spotted ang dalawa sa isang intimate wedding na ginanap sa Louisiana noong Huwebes, September 26.

Ang venue raw ay kung saan nag-o-operate ng swamp boat tours si Jeremy.

Mapapanood sa video na nakasuot ng flowing white wedding gown ang singer at may hawak rin siyang bouquet, habang naglalakad sa aisle kasama ang kanyang ama na si Robert Grant.

May bahagi rin sa clip na makikitang naglilibot sa nasabing lugar si Lana with her partner na magka-holding hands.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin dinepensahan si Rey Abellana sa bashers: Susmaryosep! Nagpakatotoo na nga ‘yung tao

Bukod sa ama ni Lana, present din sa kanyang kasal ang kanyang ina na si Patricia Ann Hill at mga kapatid na sina Caroline at Charlie Grant, base sa viral pictures.

Nauna nang iniulat ng People Magazine na base sa kanilang source na simbahan, nagkaroon ng marriage license sina Lana at Jeremy sa loob ng isang buwan.

As of this writing, wala pang pahayag ang pop singer patungkol sa mga balitang ito.

Nitong buwan lamang nang itinanggi ni Lana na dine-date niya ang alligator tour guide.

Ito ay matapos siyang magkomento sa post ng online outlet na Just N Life na nagsasabing nagde-date silang dalawa.

Taong 2019 nang unang magkakilala ang couple matapos daluhan ng singer ang isa sa wildlife tours ni Jeremy.

Samantala, maraming fans ang nagpaabot ng “congratulatory” messages para sa newly-wed couple.

“Lana is officially a married woman!! Congratulations,” saad ng isang fan sa X (dating Twitter).

Wika naman ng isa pa, “This looks like a movie or music video set.”

Read more...