Batang kasama ni Julia sa Palawan anak nga ba nila ni Coco?

Batang kasama ni Julia sa Palawan anak nga ba nila ni Coco?

VIRAL ang larawan nina Sam Milby at Julia Montes kasama ang isang batang babae na tila nasa edad lima nang dumating sila sa airport ng Puerto Princesa, Palawan nitong Biyernes, Setyembre 17.

Nakatakdang mag-shoot doon ang pagbibidahang serye nina Julia at Sam ng “Saving Grace” ng ABS-CBN.

Ang mga nasabing larawan ay nasa post ng Dreamscapeph Instagram account kahapon, Setyembre 28 na pinik-ap ng ilang showbiz website at napagkamalang anak nina Julia at Coco Martin ang batang babae na si Zia Grace.

Ang caption ay, “Julia Montes, Zia Grace, and Sam Milby received a warm welcome as they arrived in Puerto Princesa to shoot for their upcoming series, ‘Saving Grace’!”

Narito ang komento ng mga Marites sa socmed.

“Zia Grace looks like Coco Martin, female version.”

Baka Bet Mo: Marian ipinaliwanag kay Zia ang pagiging artista nila ni Dingdong: Kailangan malaman niya kung ano ba talaga ang trabaho ni Mama at ni Dada

Mula naman sa Latest Scoop FB account, “Gandang bata.”

“Sa cute ng bata manang mana sa daddy at mommy (hearts emoji).”

“Wow, ang ganda ng bata, lookalike talaga ng dad nya, so cute & pretty.”

“Exactly like father Coco Martin Zia Grace.”

“Anak nga nila kamukha.”

“Ang Ganda bata. Coco girl version.”

“Ganda ng anak nila.”

“Grabe Ang Ganda nong bata.”

May nagsabing mas bata ang anak nina Coco at Julia kaysa kay Zia, “Mas bata ata ang anak ni Coco at Julia diyan sa girl.”

“Kamukha Siya ni Coco Ang cute.”

“Ang Ganda nang batang to, kamukha talaga ni coco Martin idol.”

“Hati ang mukha nila ni Coco at Julia sa anak nila.”

“Hindi nya anak Yan artista din Yang Bata, yan gaganap anak nila sa Saving Grace.”

“Bakit tinatago pareho sila dalaga at binata.”

“She’s the child star na magiging anak ni Julia sa Saving Grace.”

Hanggang ngayon ay hindi pa rin namamatay ang tsikang may anak na sina Coco at Julia dahil hindi rin naman inaamin at hindi rin itinatanggi kaya mas lalong nagduda ang netizens nab aka si Zia Grace na nga ang itinatagong anak ng dalawa.

Aliw din ang netizens dahil hindi ba nila naisip kung totoong anak nga ito ng CocoJuls sa tingin ba nila isasama ito ng aktres na tiyak na pagpipistahan ng publiko?

Pero nakakabulag din naman kasi dahil kamukha nga ni Coco ang bagets.

Anyway, wait na na lang natin kung kailan aamin sina Coco at Julia sa tsikang may mga anak na sila.

Read more...