La Oro wala raw ‘K’ magalit kay Carlos; Sarah G ‘nadamay’ sa issue

La Oro wala raw 'K' magalit kay Carlos; Sarah G 'nadamay' sa issue

HATI ang naging reaksyon ng mga netizens sa panenermon ng veteran actress na si Elizabeth Oropesa kay 2-time Olympic gold medalist Carlos Yulo dahil sa pambabastos nito sa kanyang inang si Angelica Yulo.

Hindi na raw kasi keri ni La Oro ang manahimik na lang matapos maririnig ang mga pinagsasabi ni Caloy laban sa kanyang ina, lalo na ang pagtawag niya kay Angelica ng “magnanakaw.”

Binabarag din si Caloy ng netizens dahil mas pinili pa nitong makasama sa kanyang tagumpay bilang atleta ang dyowa niyang si Chloe San Jose kesa sa mga magulang niya at mga kapatid.

Isa nga ang beteranang aktres na si La Oro sa mga naglabas ng saloobin tungkol sa kontrobersyang kinasasangkutan ng Yulo family, sa pamamagitan ng TikTok video.

“No apologies, I would like to talk about Caloy Yulo.

“I can’t help it anymore. Masyado nang matindi ang tabas ng dila ng batang ito, hindi ko na kinaya,” ang simulang pahayag ni La Oro.

Baka Bet Mo: Elizabeth Oropesa ‘nanaksak’ sa school gamit ang ballpen: ‘Bad ako, mahilig akong makipag-away noon’

Ayon sa premyadong aktres, nasasaktan siya para kay Angelica at hindi na raw niya kayang tiisin ang nararamdaman kaya nagsalita na siya.

“Hindi po ako sang-ayon, the way he is treating his mother is horrible. Wala po akong pakialam doon sa girlfriend niya kung sino man ‘yun, siya bilang anak, hindi dapat nagtatrato ng magulang nang ganyan. Kahit anong sabihin, mali po ‘yun.

“‘Yun pong pagtulong sa magulang ay hindi responsibilidad, ito po ay galing sa puso ng taong marunong magmahal sa kapwa, ke nanay mo o hindi, lalo na kung nanay mo,” lahad ni La Oro.

Pagpapatuloy niya, “Kung mabuti kang tao, hindi ka magsasalita ng kung ano-ano doon sa babaeng pinanggalingan mo kaya ka nabuhay.”

“Hijo, Caloy, marami kang hindi alam. Alam mo parang masyadong matigas na ang puso mo.

“Sino ba ang nagturo sa iyo niyan, hindi ka naman siguro tinuruan ng nanay mo nang ganyan, kahit ano pang kasalanan ng nanay mo, nanay mo pa rin ‘yan. Kahit gaano kasama ang ina, ina mo pa rin ‘yan, tandaan mo ‘yan.

“Hihiyain mo ‘yung mother mo? Tatawagin mong magnanakaw? Tandaan mo, your cells, galing sa ina mo, hanggang mamatay ka.

“Kahit patay na na ang ina mo, iyan ang tutulong sa health mo, iyan ang reason kung bakit ang galing mong athlete, tanga!” ang talak pa ni Elizabeth.

Narito naman ang mga comments ng mga netizens sa pangangaral ni Elizabeth kay Carlos.

“I think we shouldn’t judge because there’s always two side of the story. And let Carlos Yulo learn for whatever actions that he was doing.”

Baka Bet Mo: Elizabeth Oropesa dinenay na gustong magkaposisyon sa gobyerno: Masama bang umasa na sana makahingi ng photo na may dedication?

“Same na same tlga situation nmin ni calou pero seaman version kami. Trust me when i say, SOBRANG TOXIC NA NG PARENTS namin kaya mas pinili nming lumayo, MALALA AS IN.”

“Respect your parents.. my point po c Miss Elizabeth Oropesa..for my opinion Lang po.”

“Please Ms.Elizabeth Let us not jump into conclusions,We do not know the entire story of both sides so I firmly believe that We should not judge and share our opinion.”

“No need naman alamin ang buong story sapat nayong sinabihan nya ang nanay nya na magnanakaw at sinungaling mali ngayon.”

“Kung Wala kayo sa sitwasyon ay mas maigi pa na wag na magsalita. Di naman natin alam pinagdaanan ni caloy, admit it, may mga parents talaga na narcissistic at sobrang nakaka drain at nakakasakit nun.”

“Sarah G talaga ang standard ngayon. kaya napakadaming blessing ni sarah e.”

“Wala kayong karapatan na husgahan kahit sino kasi hindi kayo yung nasa katayuan.”

“Just wondering, galit sya SA mother bakit pati siblings and grandparents Di nya manlang kinakausap o mag reach out manlang.sana maging broadminded si caloy.”

“Ang mali din kasi sa pamilya nila madam e nilabas pa sa public yung family issues nila kaya andami tuloy nangengelam dapat they fix it privately na lang. yung pride tuloy nila di na nilala maibaba.”

“Nasa bible na IGALANG ANG MGA MAGULANG, magaan at smooth ang pamumuhay pag magpatawad tayo lalo na sa mga magulang naten, 100% yan, magaan ang pasok ng mga blessings, proven & tested.”

Read more...