Robi birthday wish ang magka-baby, gumaling sa sakit si Maiqui: ‘I’m hoping!’

Robi birthday wish ang magka-baby, gumaling sa sakit si Maiqui: 'I'm hoping!'

PHOTO: Instagram/@iamrobidomingo

EMOSYONAL at naluha ang TV host-actor na si Robi Domingo sa pagdiriwang ng kanyang ika-35th birthday.

Sa pamamagitan ng Instagram videos, inihayag ni Robi ang kanyang nakakaantig na birthday wish.

Ito ay hindi para sa kanyang sarili, kundi para sa misis niyang si Maiqui Pineda na sana raw ay gumaling na sa kanyang sakit.

Nabanggit din ni Robi na hoping siyang magkaroon na sila ng anak ng kanyang asawa sakaling pumayag na ang mga doktor.

“I’m having some birthday blues,” bungad niya na mapapanood sa two-art video.

Patuloy niya, “Some people say it’s time na mararamdaman mo na tumatanda ka na, but also, it’s a time na pwede kang mag-reflect sa buhay mo.”

Baka Bet Mo: Robi, Maiqui naging magdyowa dahil kay Piolo: We owe him everything!

“My plan in the next five years is to be a better houseband and husband. And hopefully next year, when the Lord permits it and when her (Maiqui) condition permits it – depende sa clearance ng doctors, I hope to introduce you to a baby Robi or baby Maiqui, or why not twins?” patuloy ng TV host.

Chinika rin ni Robi ang initial plans sana nila noong nakaraang taon, ngunit ito ay naudlot dahil ang kanyang misis ay na-diagnose ng dermatomyositis, isang rare autoimmune disease.

“Nakakasa na ako na by this year. Actually, by this month sana meron na akong anak. But then it happened,” sambit niya. 

Pag-amin pa niya, “It’s hard…Maybe it’s not time yet, but I’m hoping na mangyari ‘yun.”

“But first things first, I want Maiqui’s sickness to be gone so that we could go back to our original plan. That’s my wish for my birthday. It’s not for me anymore,” dagdag ni Robi.

Bandang huli, nagbigay ng mensahe si Robi para sa kanyang future anak at maluha niyang sinabi na, “I am so ready to give all my love para sa’yo.”

Sa Instagram Stories naman ng TV host, masaya niyang ibinandera ang naging birthday salubong na inihanda ni Maiqui para sa kanya.

“Super appreciate my wife for making this possible [red heart emoji],” caption niya sa isang story.

Wika pa niya, “Heart is immensely grateful! Thank you for the laughs, shots & stories [cake, red heart emojis].”

Pagbubunyag pa ni Robi, “I told her I just wanted sushi and drinks for my birthday. She gave me those and a big party with friends [cake emoji].”

PHOTO: Instagram Stories/@iamrobidomingo

Kung matatandaan, taong 2022 nang ma-engage ang married couple at sila ay ikinasal noong Enero lamang.

Read more...