KUNG mabibigyan ng chance game ang King of Talk na si Boy Abunda na ma-interview ang mag-inang Carlos at Angelica Yulo pati na si Chloe San Jose.
In fact, sinubukan ng programa ni Tito Boy na “Fast Talk With Boy Abunda” sa GMA 7 na kontakin si Carlos for a possible guesting pero hindi pa nagbibigay ng confirmation ang 2-time Olympic gold medalist.
Nakausap ng BANDERA at ilang piling miyembro ng entertainment media ang premyadong TV host at talent manager recently at isa sa nga sa mga naitanong sa kanya ay ang tungkol sa isyu ni Caloy sa ina at sa pamilya niya.
“Napakahirap kasi kulang ako sa detalye. What we know is what we read. May mga reaction tayo kasi nag umpisa sa post ng nanay, mabuhay ang Japan, sumagot ang anak, nandu’n si Chloe sa likod, mga sagutan.
“Hindi ko na alam kung ano ang totoo or hindi. Hanggang sa nagparada. So katulad ng marami, I want to know the truth. It’s so hard to judge because my details are so limited.
Baka Bet Mo: EJ Obiena inakalang ibu-boo sa paglaban sa Asian Games: ‘It was definitely opposite of what I expected’
“Sabi nila, ‘Boy is not interested because makananay.’ Hindi naman. That’s not fair. Makananay naman talaga ako at naniniwala naman ako pero napaka-personal na nu’n.
“Pero walang pwedeng gawin ang nanay ko na hindi ko mapapatawad. But I will not impose that to anyone.
“Do I know the story of Carlos and the mom? I don’t. Yung dynamics nila. Iba yung pag-uusap nila. I could only pray na sana ngayong maganda na ang buhay ninyo sana magkasundo na. At sana wag na tayong dumagdag sa ingay,” dire-diretsong pahayag ni Tito Boy.
Sa tingin niya, bakit nga ba interesado ang publiko sa kuwento ng pamilya Yulo at naging national issue pa nga? “Emotional tayo. Ito ang napapanood natin sa teleserye. Ito ang kwento ng buhay natin. Relasyon natin sa ating ina. Ano ang ibig sabihin ng ina at anak sa atin.
“Ang ingredients ng kwento ni Carlo at ng kanyang ina lahat present doon. It’s also the story of our country. That story is not copyrighted by Carlos and the mom. That’s the story we all know. We all went through at one point in our lives.
“I want to have an interview with all of them siguro when tempers are down. Makananay ako and I won’t correct that. Pero hindi ko naman masasabi na tama ang nanay sa lahat ng oras,” lahad ng King of Talk.
“Yung detalye na alam n’yo, yun din ang detalye na alam ko. The details that I know are not enough to make me issue a judgment. Ang dami kong tanong. What triggered yung post ni nanay? Ano ang trigger ni Carlos sa pagsagot at nandu’n si Chloe sa likod?
“Ano yung nag-udyok sa kanila na maging public at the time of their lives has so much become better? And then ibebenta yung bahay nila para ibigay yung pera kay Carlos. I don’t even know if it’s true.
“I don’t know them. We don’t know them pero ang judgment natin is based on limited information. Sila ba yung tipo na nag-aaway and then after two months nagkabati? Gano ba kakilala ng mga magulang ang kanilang anak?
“Ang discomfort parang nanggagaling sa bilangan. It has also become an accounting problem which I believe is totally unfair,” ang sabi pa ng veteran TV host.
Naikuwento rin ni Tito Boy na nagkaroon siya ng pagkakataon na makausap si Angelica Yulo, two weeks ago, “I had the chance to talk to Caloy’s mom by accident. I have a friend but she was with a friend tapos binigay sa akin ang telepono.
“Binati ko lang ng magandang hapon po. Siya naman magandang hapon Tito Boy, Sabi ko kamusta? Mag-ingat po kayo. End of story. So I had a one or two line conversation with her,” aniya pa.
Dugtong pa ni Tito Boy, “I’m interested in doing separate interviews with Caloy and his mother. Kahit si Chloe. Teleserye material, eh.”
Samantala, ngayong hapon na mapapanood ang panayam ni Tito Boy sa isa pang Pinoy Olympian na nagdala rin ng karangalan sa bansa – ang pole vaulter na si EJ Obiena. Ito’y para sa latest episode ng “My Mother, My Story.”
Sey ni Tito Boy, ang guesting ni EJ sa “Fast Talk” ang naging inspirasyon ng buong team ng “My Mother, My Story” para siya ang bumida sa kanilang next episode.
“Napakaganda, napakasarap kausap. He’s a wonderful human being. Napakagaan. Although we covered a lot, of course including our conversation with her mother, Jeanette, parehong atleta ang kanyang mga magulang and the younger sister is also an athlete,” kuwento pa ng King of Talk.
Marami pang naichika sa amin si Tito Boy about his interview with EJ Obiena pero mas magandang panoorin at tutukan n’yo na lang ang kuwento ng ilang bahagi ng kanyang buhay na hindi pa nalalaman ng publiko.
“Makikilala natin si EJ as a man who never quits, a man who fights for his truth, a man who honors his family, and a man who loves his country,” ang sey pa ni Tito Boy.
Isa pa sa mga katangiang nagustuhan ng TV host kay EJ ay ang magandang relasyon nito sa kanyang pamilya.
Babandera na yan sa pinakabagong episode ng “My Mother, My Story”, bukas, September 29, 2 p.m. sa GMA 7.