BUKOD sa ating pambato, si Kylie Verzosa ay nakatakda ring itaas ang bandera ng Pilipinas sa nalalapit na Miss Cosmo 2024 pageant.
Siya kasi ang napiling maging host sa dalawang major events ng nasabing kompetisyon na gaganapin sa Vietnam.
“The Miss Cosmo Organization is thrilled to announce that internationally renowned Filipina actress, model, presenter, and beauty queen, Kylie Verzosa, will serve as the host for the Preliminary Night and Grand Finale of Miss Cosmo 2024,” saad sa post ng Vietnamese organizers noong Biyernes, September 27.
Ayon sa organisasyon, ang Miss International 2016 titleholder ay nagsisilbing inspirasyon dahil sa passion nito pagdating sa “women empowerment,” lalo na’t nang itinatag niya ang Sola, ang shapewear brand na para sa lahat ng klase ng katawan.
“As host of Miss Cosmo 2024, Verzosa is poised to elevate the event with her grace, poise, and captivating presence,” dagdag sa pahayag ng Miss Cosmo pageant.
Baka Bet Mo: Lolit Solis sinabing hayaan na lang si Kris sa choice niya: Basta boto tayo, karapatan natin iyan
Samantala, nauna nang inanunsyo ng organisasyon na ilan lamang sa mga ka-join sa jury panel ng pageant ay ang dating presidente ng Miss Universe Organization (MUO) na si Paula Shugart at ang 2021 Miss Universe winner na si Harnaaz Sandhu.
Ang Preliminary Night ay mangyayari sa darating na October 2, habang ang Grand Finale ay sa October 5.
Ang dalawang events ay gaganapin sa Phu Tho Stadium sa Ho Chi Minh City, Vietnam.
Ang pambato ng Pilipinas ay ang 2018 Miss International first runner-up na si Ahtisa Manalo, habang ang dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Franki Russell ay ang panlaban ng New Zealand.