KCC naghandog ng libreng sine, inilunsad ang 2024 Korean Film Festival

KCC naghandog ng libreng sine, inilunsad ang 2024 Korean Film Festival

PHOTO: Courtesy of KCC

KUNG naghahanap kayo ng ganap this weekend, may libreng sine ang Korean Cultural Center (KCC) in the Philippines.

Ito ang 2024 Korean Film Festival na may temang “Chingu Kita!” na ang ibig sabihin ay “you are my friend” sa Ingles.

Ang event ay bilang parte ng pagdiriwang para sa ika-75th year of friendship sa pagitan ng Korea at Pilipinas.

Limang Korean movies ang tampok sa nasabing film fest na tinatalakay ang iba’t-ibang klase ng pagkakaibigan.

“The festival lineup includes the 44th Blue Dragon Film Awards’ Best Film ‘Smugglers (2023),’ an action-packed tale of trust and survival; ‘Love Reset (2023),’ a heartwarming comedy that redefines love and companionship; ‘Picnic (2024),’ a touching short film about childhood friendship and adventure; ‘Our Season (2023),’ a moving story about the bonds of friendship and family; and ‘Inseparable Bros (2019),’ a film that portrays the unbreakable connection between two brothers,” sey sa inilabas na pahayag.

Baka Bet Mo: Mga kakanin, rice cakes ibinandera ng KCC sa 75th anniv ng Pilipinas-Korea

Ang free screenings ay gaganapin sa SM Mall of Asia, SM City Baguio, SM Seaside City Cebu, at SM City Davao.

Nagsimula na ‘yan nitong September 27 at matatapos hanggang Linggo, September 29.

Bukod diyan, magkakaroon din ng pocket event na ang tawag ay “Meet the Chingus!” na kung saan ay magkakaroon ng talk ang dalawang prominent figures pagdating sa Korean cinema –ang director of Contents Research Bureau ng Korea Culture & Tourism Institute na si Lee Yun Kyung at ang CEO ng Westworld na si Son Seung-Hyun.

PHOTO: Courtesy of KCC

Para sa kaalaman ng marami, ang Westworld ay isang visual effects company na nasa likod ng ilang sikat na Korean projects katulad ng ng “Queen of Tears (2024),” “Smugglers (2023),” at “Extraordinary Attorney Woo (2022).”

Para sa mga gustong maki-join sa event na ito, mag-sign up lang sa link na ito: https://bit.ly/KFFMeetTheChingus

Read more...