Oh, Flamingo!, Autotelic nagpasampol; 33 musicians babandera sa ‘Playlist Live’

Oh, Flamingo!, Autotelic nagpasampol; 33 musicians babandera sa ‘Indie Fest’

PHOTOS: Courtesy of Sean Jimenez; JDOS

EXCITING ang huling tatlong buwan ng taong 2024, lalo na sa indie music community!

Aasahan kasi na aabot sa 33 bands at musicians ang magpapasiklaban sa entablado para sa inaabangang “Playlist Live” na pinangungunahan ng isang sikat na whiskey brand.

Isa lamang ito sa mga inisyatibo sa ilalim ng music program na pinamagatang “Jack Daniel’s On Stage 2024 (JDOS)” na layong palakasin at suportahan ang “artistry” at “musicality” ng mga bandang Pinoy.

Sa katunayan nga ay nagpasampol na riyan ang dalawang OPM bands na Oh, Flamingo! at Autotelic sa naganap na Media and Trade Launch sa Pasay City kamakailan lang.

Baka Bet Mo: Arnel kinampihan ng kabanda sa Journey: You’re not going anywhere!

Narito ang schedule at lineup para sa upcoming live shows:

October 18 – Locked Down Entertainment: Fables, St. Wolfs, Novocrane, Nanay Mo, Juicebox

November 9 – Funkybeat Entertainment: Uncle Bob’s Funky Seven Club, spacedog spacecat, 10 a.m. Departure, The Nomads, Ang Bagong Luto ni Enriquez

Nov 16 – Doc Def Productions: Dayaw, Pikoy, August Wahh, Night Over Alaska, kiyo

Nov 23 – The Flying Lugaw: hazylazy, aunt robert, cheeky things, Matoki

Nov 29 – GNN: Alyson, Amateurish, Ysanygo, Pinkmen, (e)motion engine

Dec 6 – Otelik presents: Minaw, NaTV, Sunflower Station, Ultraviolet

Dec 7 – SYQL: Kindred, Mi Mi, Formerly Maryknoll, The Revisors, Peej

Sa pamamagitan ng music program, ilang dekada nang sinusuportahan ng nasabing kumpanya ang paglago ng local indie music community at ang next generation ng music greats.

“Music has always been part of Jack Daniel’s DNA,” sey ni Gabriel Fajardo, ang Brand Manager ng Jack Daniel’s Emerging Asia. 

Aniya pa, “It is through music that the brand has solidified its place in culture and how many people have connected with Jack over the years.”

Dagdag pa niya, “We want to give the up-and-coming artists the avenue to feel the adrenaline of the live stages, of putting themselves out there for everyone to listen and watch. As we’ve said, we want their stories to be heard by people and to give them the opportunity to share their music boldly to the world through Jack Daniel’s On Stage.”

Wait, there’s more! Exciting din ang inihanda nilang ganap para sa taong 2025 kung saan magkakaroon ng bonggang “Indie Fest!”

Read more...