ASAHAN na mala-roller coaster ride ang mararamdaman kapag napanood ninyo ang musical play na “Once on this Island” na pinagbibidahan ng alternate roles na sina Angela Ken, Sam Concepcion, Thea Astley at Jef Flores.
Dahil bukod sa mamamangha ka sa galing ng cast sa pagsasayaw at pagkanta, tiyak na maiiyak, matatawa, mai-inspire at makaka-relate ka sa istorya nito.
Kagaya na lamang ng ilang kilalang celebrities at personalidad na nagbigay ng kanilang reaksyon matapos mapanood ang play.
“Sam Concepcion as Daniel delivered a stellar, stellar performance,” pagpupuri ng sikat na event host na si Tim Yap.
Sey naman ng young singer na si Darren Espanto, “I came out feeling so happy, It was a great show all in all. The music, the choreography, the production as well. You have to watch the show to get what I’m saying.”
Baka Bet Mo: Angela Ken ‘pressured’ sa upcoming play, balak bang iwan ang music career?
Aminado naman ang singer na si Moira Dela Torre na naiyak siya, “I loved it very much. I was crying from start to finish.”
Saad naman ng batikang aktres na si G Tongi, “The show was fantastic. The costumes were amazing. The voices were spectacular!”
Pati ang isa sa bokalista ng bandang Ben&Ben na si Miguel Benjamin ay napa-wow sa show.
“My sister in-law pointed out that the instrumentation was live, that’s such an amazing factor and it added so much to the energy of the whole performance,” chika ni Miguel.
Aniya pa, “Sobrang na-admire ko rin ‘yung performance ni Angela as ‘To Moune’.”
Aliw na aliw din si Boboy Garrovillo ng Apo Hiking Society, “I love the dancing, the music and then the different themes. Ang galing ng choreographer. Nakakatuwa!”
Very true ang mga naging komento at reaksyon nila dahil napanood din mismo ng BANDERA ang musical play.
Sobrang entertaining at talagang swak na swak ang “Once on This Island” para sa buong pamilya!
Ang closing schedule ng musical play ay aarangkada na sa weekend, September 28 at 29, sa RCBC Plaza sa Makati City.
Para sa mga hindi aware, hango ito sa 1985 novel na “My Love, My Love or The Peasant Girl” na isinulat ng American writer na si Rosa Guy.
Tungkol ito sa muling pagsasalaysay ng sikat na fairy tale ni Hans Christian Andersen, ang “The Little Mermaid,” na ang bida ay isang peasant girl ng French Antilles na na-inlove sa isang mayamang lalaki.
At para mailigtas ng peasant girl ang kanyang mahal ay nakipagsundo siya sa gods.