Ria ibinandera ang ‘favorite role’ para kay Zanjoe, ano kaya ito?

Ria Atayde ibinandera ang favorite role ni Zanjoe Marudo, ano kaya ito?

PHOTO: Instagram/@ria

KAHIT abala sa pagiging first time parents, ibinandera ng aktres na si Ria Atayde ang appreciation post para sa kanyang mister na si Zanjoe Marudo.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, proud na ipinakita ni Ria ang pagiging mabuting ama ni Zanjoe sa kanilang first baby.

“Fave role of yours to date,” pagbubunyag ng aktres, kalakip ang litrato ng aktor na buhat-buhat ang kanilang baby habang sila ay nasa ospital pa rin.

PHOTO: Instagram Story/@ria

Sa hiwalay na post, ipinost ni Ria ang isa pang picture na karga pa rin ni Zanjoe ang kanilang baby boy.

Baka Bet Mo: Liza Soberano ayaw nang mag-artista pagdating ng edad 30: I want to learn how things work behind the scenes

PHOTO: Instagram Story/@ria

Kamakailan lang, proud na proud na ibinandera ng ina ni Ria na si Sylvia Sanchez ang pagkakaroon ng apo.

“Lola na ako! Yahoooo!” wika ng batikang aktres sa kanyang kauna-unahang apo.

Kalakip sa IG post ang birthday nito na, “09-23-24 ” at ang hashtag na, “Thank you, Lord.”

Kung matatandaan, noong Pebrero lamang nang ma-engage ang celebrity couple.

Makalipas ang isang buwan ay naganap ang civil wedding sa Quezon City, kasabay ng 32nd birthday ng aktres.

Noong Hunyo naman nang ibunyag ng mag-asawa na magkakaroon na sila ng anak.

As of this writing, hindi pa nila nari-reveal ang pangalan ng kanilang anak.

Read more...