Maymay Entrata rarampa sa Paris Fashion Week: Pinaghandaan ko ‘to!

Maymay Entrata rarampa sa Paris Fashion Week: Pinaghandaan ko 'to!

Maymay Entrata

SA kauna-unahang pagkakataon ay rarampa ang Kapamilya actress-singer na si Maymay Entrata sa Paris Fashion Week para sa MM Milano Fashion Brand.

Ayon sa “Amakabogera” singer, mixed emotions ang nararamdaman niya sa pagpunta sa Paris bilang isang rampadora.

“Ako po ay sobrang excited po for the Paris Fashion Week, kasi first time ko pong pumunta doon. First time ko pong inimbitahan,” ang pahayag ni Maymay sa panayam ng ABS-CBN.

Sabi ni Maymay, irarampa niya sa naturang international fashion event ang mga creation ng mga sikat na designers tulad nina Leo Almodal at Vietnamese designer Phan Huy.

Baka Bet Mo: Maymay: Kahit ano’ng gawin mo na maging mabait at perpekto lagi silang may masasabing mali

Magaganap ang kanyang first ever runway appearances sa darating na September 28 at 29.

Samantala, ibinalita rin ng dalaga na mabibigyan din siya ng chance na makapag-perform sa opening ng event sa pamamagitan ng isang concert kasama ang ilan pang Filipino artists at mga performer mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

“Magpe-perform din po ako sa opening before yung runway show po,” pagkumpirma ni Maymay.


Kuwento pa ng aktres at singer sa pagtungo niya sa Paris, “Nakapunta na din po ako du’n dati pero bakasyon po kasi. Ito kasi talagang iba.

“Bale, pupunta ako sa isa sa mga gusto kong country at hindi lang ‘yun, pupunta din ako dahil gagawin ko po yung kung anong mahal ko pong gawin which is yung pagpe-perform po kaya sobrang excited ako talaga.

“Pinaghandaan ko po talaga yung itong Paris project po talaga kasi first time ko pong inimbitahan ng Paris Fashion Week and of course mag-perform din po du’n,” sey pa ni Maymay sa nasabing panayam.

Read more...