Relasyong Carlos-Chloe solid, hindi kayang wasakin ng bashers

Relasyong Carlos-Chloe solid, hindi kayang wasakin ng bashers

Chloe San Jose at Carlos Yulo

IN FAIRNESS, parang mas tumitindi pa ang pagmamahal nina Carlos Yulo at Chloe San Jose sa isa’t isa habang patuloy silang winawasak at ibinabagsak ng mga basher.

Mukhang “unbothered” nga ang celebrity couple sa mga pangnenega at panghuhusga sa kanila ng mga netizens lalo na ng mga kumakampi sa mga magulang at kapatid ni Caloy.

Kitang-kita nga yan sa naging panayam ni Toni Gonzaga kina Carlos at Chloe para sa YouTube channel niyang “Toni Talks” kung saan isa-isa nilang sinagot ang mga maiintriga at kontrobersyal na tanong about their personal lives.

May mga kinilig pero meron ding na-bad trip at nabwisit sa naturang panayam lalo na ilang rebelasyon ng magdyowa tungkol sa kuwento kung paano nagsimula ng kanilang love story.

Baka Bet Mo: Angelica Yulo isinumpa raw si Carlos na gagapang sa lupa, sey ni Chloe

Ibinuking kasi ni Chloe ang dyowa niyang 2-time Olympic gold medalist noong nasa “talking stage” pa lang ang kanilang relasyon.

Natanong ni Toni ang dalawa kung kailan ba talaga nila na-feel na mahal nila ang isa’t isa at gusto na nilang i-level up ang kanilang feelings.


“Kailan n’yo na naramdaman na from being tropa to moving something else na?” tanong ni Toni.

“Siya po,” ang pa-cute na sagot ni Chloe sabay turo kay Caloy. “10 days pa lang po (na magka-text) nag-I love you po siya agad sa akin.”

Inamin naman ni Caloy na may “something” na siyang naramdaman nang magpalitan sila ng mensahe ni Chloe via chat. At kahit hindi pa sila nag-uusap via phone call ay may spark na siyang na-feel.

Kinilig din naman daw si Chloe sa “I love you” ni Carlos pero hindi pa niya ito sinagot. Hanggang sa dumating na nga yung araw na naging seryoso na sila sa isa’t isa and the rest as they say – is history na.

Nauna rito, inamin ni Chloe na siya ang unang gumawa ng hakbang para mapansin ni Caloy sa pamamagitan ng isang TikTok video.

At in fairness, hanggang ngayon ay mukhang going strong pa rin ang kanilang relasyon sa kabila ng mga pangnenega sa kanilang ng bashers dahil mas pinili nga ni Caloy si Chloe kesa aa kanyang pamilya.

Naniniwala rin si Caloy na si Chloe na ang kanyang “the one.”


Until now ay hindi pa rin nagkakaayos si Carlos at ang kanyang inang si Angelica Yulo. Mula nang manalo ng dalawang ginto ang binata sa 2024 Paris Olympics ay hindi pa siya nakikipagkita sa kanyang pamilya.

Ang palagi niyang kasama ngayon ay si Chloe na aniya’y isa sa mga taong naniwala at sumuporta sa kanya noong down na down siya at feeling mag-isa sa kanyang pakikipaglaban sa buhay.

Inamin ng mga magulang ni Carlos na si Chloe ang dahilan kung bakit nagkaroon ng lamat ang samahan ng kanilang pamilya. Hindi raw magandang influence ang dalaga sa kanilang anak.

Sabi naman ni Carlos hinggil sa isyu ng kanilang pamilya, “Basta ako, alam ko po sa sarili ko, sa puso ko na napatawad ko sila and inamin ko sa sarili ko na nagkamali ako.

“Kinarma na ako kasi mali nga naman na sagutin mo sila ng ganu’n, na…siyempre emosyonal ka na po, eh. Gusto mo ipaglaban yung sarili mo and yung relationship niyo.

“Alam ko kung ano yung mali ko, tinanggap ko yun, ipinagdasal ko yun kay Lord, humingi ako ng tawad,” tugon ng binata.

Nauna rito, may FB follower naman si Chloe na naniniwalang darating din ang panahon na magkakasundo rin sina Carlos at mga parents niyang sina Mark Andrew Yulo at Angelica Yulo.

“Try to reunite and compromise with Caloy’s family. Chloe Anjeleigh San Jose you both will be blessed more,” payo ng isang netizen.

Ang makahulugang sagot sa kanya ni Chloe, “Reunion and compromise isn’t going to happen when the other party’s not willing to do so too.”

Read more...