John, Priscilla muling nagkasama sa Singapore, nagbalikan na ba?

John, Priscilla muling nagkasama sa Singapore, nagbalikan na ba?

Priscilla Meirelles at John Estrada

SPOTTED ang mag-asawang Priscilla Meirelles at John Estrada na magkasama sa Singapore, kaya ang tanong ng netizens – nagkabalikan na?

Balita kasing naghiwalay nang tuluyan ang celebrity couple base sa huling mga post ni Priscilla sa kanyang social media account. Ito nga raw ang dahilan kung bakit umuwi na ng Brazil ang actress-beauty queen.

“I had enough, I have a voice. When you do things you need to be very careful about the consequences of the things that you do in life, we are all grown ups. I refused to let it pass anything from this point onwards. I’m very patient, very kind and I’m a very forgiving person but to a limit,” sabi ni Priscilla.

Baka Bet Mo: John Estrada ibinandera si Priscilla Meirelles: My one and only queen!

Ang post naman niya John sa kanyang Instagram page last July 16, “Priscilla and I have mutually agreed to take a break for quite some time now. There’s more to the story but the last thing I want to do is to hurt the people I love.

“This is a private family matter, that’s why I ask for privacy as we deal with this. Thank you,” aniya pa.


Sa mga Instagram post ni Priscilla nitong mga nagdaang araw, makikita ang mga latest photos niya kasama si John at ang ilan nilang mga kaibigan. Base sa caption, nasa Singapore sila para sa F1 Singapore Grand Prix 2024.

Sey ni Priscilla, “Welcome to F1 Singapore. Salamat to my EW Villa Medica Family @ewvmmanila for bringing me to this event two years in a row.”

Kasunod nito, nag-post uli si Priscilla ng ilang photos na kuha sa naturang event, at ang caption ay, “F1 Singapore Race with my EW Villa Medica Famila Day 1 was a wrap. More to come!”

Sinundan pa ito ng ilan pang bagong litrato na may mensaheng, “Day 2 F1 Singapore. Selfies everywhere.”

Nagbahagi rin si John ng kanyang solo pictures sa IG. Ang unang litrato ay may caption na, “Hello my Beautiful People, from Singapore Grand Prix 2024.”

Sa second photo naman ay may nakasulat na, “2nd day, qualifying, F1 singapore. Pit walk Letss Goooooooo!”


May isang netizen ang nag-comment sa IG post ni Priscilla at diretsahang nagtanong ng, “Just curious, why are u not beside with your husband John Estrada?” Pero hindi siya nireplayan ni Priscilla.

Comment naman ng isang IG user, “Are you happier now without John? I remember this time last year you guys attended this race together. I hope that you are happier.”

Sinagot siya ng follower ni Priscilla ng, “Magkasama po sila nakita ko isang post nya sa FB kanina lang kasama si john.”

Na ang tinutukoy ay ang post ng aktres na si Aubrey Miles, na nakasama rin nina John at Priscilla sa Singapore. Makikita silang magkasama sa loob ng isang sasakyan.

Dito na sumagot si Priscilla ng, “Work lang Po. Thanks for understanding.”

So there, mukhang hindi pa nga nagkakaayos o nagkakabalikan ang nagkahiwalay na mag-asawa.

Read more...