Ria nanganak na sa panganay nila ni Zanjoe, hirit ni Sylvia: Lola na ‘ko!

Ria nanganak na sa panganay nila ni Zanjoe, hirit ni Sylvia: Lola na 'ko!

Zanjoe Marudo, Ria Atayde, Art Atayde at Sylvia Sanchez

NANGANAK na ang Kapamilya actress at producer na si Ria Atayde sa panganay nila ng asawang si Zanjoe Marudo.

Masaya at excited na ibinandera ng nanay ni Ria na si Sylvia Sanchez na isinilang na ng kanyang anak ang kauna-unahan niyang apo.

Ni-repost ni Ibyang ang Instagram reel ni Zanjoe sa kanyang Facebook account kalakip ang kanyang announcement na isa na siyang certified lola.

Baka Bet Mo: KathNiel muling nagtagpo sa wedding; Ria, Zanjoe ikakasal din sa church

“Yahooooo!!! Lola na ako!

“(Praying hands emojis at red heart emoji) 09-23-2024.

“Congratulations!!!  Zanjoe Marudo Sophia Atayde (3 angels emoji).


“May Baby na tayo!” ang pahayag pa ni Sylvia sa kanyang FB status.

Bumuhos naman ang mga pagbati mula sa mga FB followers ni Sylvia para kina Ria at Zanjoe. Narito ang ilan sa mga nabasa namin.

“Congratulations to the new parents and to you nanay! Totoong mommyla na! Yahooo!”

“Yahoo congratulations. Lola ibyang n lolo art!”

“Congrats!!! Abuela Sylvia & Abuelo Art!”

“Congrats Ri & Z and of course to Lola Ibyang!”

“Congratulations, Tita Jojo Campo Atayde, Tito Art Atayde , Sophia Atayde , and Z!!”

Read more...