Sunshine buntis sa 3rd baby nila ni Alex sa edad 40: Isinayaw sa Obando!

Sunshine buntis sa 3rd baby nila ni Alex sa edad 40: Isinayaw sa Obando!

Sunshine Garcia at Alex Castro

MAS naging espesyal ang birthday celebration ng aktres at original SexBomb Dancer na si Sunshine Garcia ngayong taon.

Ibinandera ni Sunshine at ng asawa niyang si Bulacan Vice Governor Alex Castro ang good news kasabay ng ika-38th kaarawan ng aktres.

Yes! Pregnant na uli si Sunshine sa ikatlong anak nila ni Alex na excited niyang ibinalita sa publiko sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Nag-share si Sunshine ng mga litrato sa IG na kuha sa kanyang birthday celebration na dinaluhan ng kanyang mga kapamilya at malalapit na kaibigan in and out of showbiz.

Baka Bet Mo: Ruru kay Kylie: Sobrang espesyal mo sa akin, malaking factor ka sa buhay ko…

“40 and preggy. Parang kailan lang 40 na agad and preggy ulit? Totoo na ito bunso na talaga yan,” ang simulang caption ng aktres sa kanyang IG post.

“Shout out sa husband ko thank you sa lahat ng effort para maging happy ako sa today.


“Wala talaga ako plan mag celebrate ng birthday ko gusto ko lang mag dinner with family pero ikaw talaga nag plan ng lahat. Thank you and i love you,” mensahe pa ni Sunshine.

Bukod sa kanyang asawa, nagpasalamat din ang aktres at dancer sa lahat ng mga taong naging bahagi ng kanyang selebrasyon, lalo na sa mga taong nagpunta sa party na in-organize nga ni VG Alex.

Samantala, ibinahagi rin ni Sunshine ang isang video kung saan mapapanood ang naganap na gender reveal. And yes, baby girl na ang ipinagbubuntis ng aktres.

Sey ni Shine sa caption, “BIRTHDAY & GENDER REVEAL. TEAM BOY OR TEAM GIRL??

“Naka 4 boys na kami ano na ang susunod?

“Walang hanggang pasasalamat kay Lord sa blessing na natatanggap naming pamilya.

“Idinasal, isinayaw sa Obando at higit sa lahat INORDER ng mga anak namin,” sabi pa ni Sunshine

Read more...