MAY mga nagpu-push sa award-winning Kapamilya actor na si Piolo Pascual na subukan na ring pasukin ang mundo ng politics at public service.
Marami ang naniniwala na kapag tumakbo raw mayor, kongresista o kahit anong posisyon sa gobyerno si Papa P ay siguradong mananalo siya at maraming matutulungang mga Filipino.
In fairness, marami ring natutulungang mga nangangailangan nating kababayan si Piolo pero hindi lamang niya ito ibinabandera sa publiko.
Nakachikahan ng ilang piling miyembro ng entertainment media si Piolo kamakailan para sa Book 2 ng serye niya sa ABS-CBN na “Pamilya Sagrado” at isa nga sa mga naitanong sa kanya ay kung may plano ba siyang
Baka Bet Mo: Piolo Pascual hindi nagmamadaling magkadyowa: Darating naman tayo doon
“I don’t think nasa fate ko siya or nasa trajectory siya ng buhay ko. Pero if you’re going to ask me right now, it’s a hard no,” ang diretsahang pahayag ni Papa P.
Samantala, siniguro rin ng aktor na matagal pa siyang mananatili sa mundo ng showbiz at hindi na niya naiisip ang retirement.
“Not (retiring) anytime soon hopefully. I hope I get to be part of the revolution of Philippine cinema. We’re part again of the MMFF (Metro Manila Film Festival), MIFF (Manila International Film Festival). And MMFF is celebrating its 50th year so to be part of that, you’re a clear representation of the industry, so I want to be part of that,” pahayag ni Piolo.
May entry uli ang aktor sa MMFF 2024, ang “The Kingdom” kung saan makakasama niya sina Vic Sotto, Cristine Reyes, Sue Ramirez at Sid Lucero. Last year, umariba rin si Papa P sa blockbuster MMFF entry na “Mallari.”
Ayon pa kay Piolo, looking forward siya na maging bahagi ng mga makabuluhang pelikula na hindi lang sa Pilipinas tatangilikin kundi pati na rin sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
“With MIFF, I hope that there are more projects or more films that we can showcase to the world to really just empower us, to have something that we can be proud of as Filipinos,” sey ng aktor.
Natanong din si Papa P kung ano ang feeling na makakasama niya si Bossing sa isang pelikula for the first time at sa MMFF pa.
“I grew up kasi watching him and for me to be acting alongside with a cinematic icon, kailangan kong tanggalin ang pagka-fan ko so I have to deal with it and cross the bridge when I’m already there because we have a lot of scenes together,” aniya.
Ang “The Kingdom” ay isang epic drama film mula sa direksyon ni Michael Tuviera under APT Entertainment.
Kuwento pa ni Piolo, “When (Michael Tuviera) pitched this concept to Bossing he said yes right away. When he pitched it to me a couple of days later, I said yes.
“Within weeks we were doing pre-production, so it just fell into place. I mean, we’re both busy but if there is a project that you can work on and make things happen to make it happen, it will happen.
“I thought hindi ako magpi-filmfest this year because I did so much last year pero nung pumasok, okay trabaho tayo sa Pasko,” aniya pa.