Carlos Yulo umaming mali ang ginawa sa pamilya: Kinarma na ‘ko

Carlos Yulo umaming mali ang ginawa sa pamilya: Kinarma na 'ko...

Angelica Yulo, Mark Andrew Yulo, Chloe San Jose at Carlos Yulo

“MALINIS ang kunsensiya ko. Hindi naman nila ako kilala!” Iyan ang pagtatanggol ni Carlos Yulo sa sarili sa gitna ng patuloy na panghuhusga sa kanya ng publiko.

Ito’y kaugnay pa rin ng mga ginawa niyang pananabla at pangdededma sa sariling pamilya, partikular na sa kanyang inang si Angelica Yulo.

Mula nang makapag-uwi ng dalawang medalyang ginto mula sa 2024 Paris Olympics ay hindi pa nakikipagkita si Caloy sa kanyang pamilya. Ang palagi lamang nitong kasama ngayon ay ang dyowang si Chloe San Jose.

Baka Bet Mo: Aljur gustong makilatis ang bagong dyowa ni Kylie: ‘Hindi ko siya kilala, yun ang wino-worry ko ngayon’

Sa panayam ng “Toni Talks” kay Carlos, isa-isang niyang sinagot ang mga tanong hinggil sa relasyon niya sa kanyang pamilya at iba pang kinasasangkutan niyang kontrobersya.


“Sa mga nagko-congratulate sa akin, talagang nagpapasalamat po talaga ako. Grateful ako na sine-celebrate nila ‘yong panalo ko,” ang pahayag ni Carlos.

“Sa mga taong nanghuhusga, kilala ko naman po kasi ‘yong sarili ko. Alam ko kung ano ‘yong ginawa ko,” dugtong niya.

Patuloy pa niyang pagtatanggol sa sarili, “Malinis ‘yung kunsensya ko. Hindi naman nila ako kilala. Hindi naman nila nakita kung paano ako nag-training. So, lahat po talaga hindi ako natatamaan, hindi tumutusok at all.”

Alam din daw niya na wala siyang ginawang masama sa mga taong patuloy na nangnenega at nagdya-judge sa pagkatao niya kaya ayaw na rin niyang patulan ang mga haters.

“And alam ‘yun ni Lord. Kahit gaano pa ako kagaling na tao sa gymnastics, kahit gaano pa ako naghirap sa mga preparation ko, kung hindi ako mabuting tao hindi ako ibe-bless nang ganu’n, e,” ang mariing sabi ni Caloy.

Isa pang tanong ni Toni kay Carlos, “Ganito na lang ang gagawin natin para kahit papaano magkaroon ng konting linaw. Kasi we are hearing one side of the story, but you are not sharing your side of the story. Bakit?”


Sagot ng Pinoy champ, “Personal po kasi masyado eh. Like, hindi na rin po para malaman ng tao, ng buong sambayanan yung nangyari.

“Basta ako, alam ko po sa sarili ko, sa puso ko na napatawad ko sila and inamin ko sa sarili ko na nagkamali ako.

“Kinarma na ako kasi mali nga naman na sagutin mo sila ng ganu’n, na…siyempre emosyonal ka na po, eh. Gusto mo ipaglaban yung sarili mo and yung relationship niyo.

“Alam ko kung ano yung mali ko, tinanggap ko yun, ipinagdasal ko yun kay Lord, humingi ako ng tawad,” mahabang tugon ni Carlos.

Nauna rito, may FB follower naman si Chloe na naniniwalang darating din ang panahon na magkakasundo rin sina Carlos at mga parents niyang sina Mark Andrew Yulo at Angelica Yulo.

“Try to reunite and compromise with Caloy’s family. Chloe Anjeleigh San Jose you both will be blessed more,” payo ng isang netizen.

Ang makahulugang sagot sa kanya ni Chloe, “Reunion and compromise isn’t going to happen when the other party’s not willing to do so too.”

Read more...