Billy Crawford nagluluksa sa pagpanaw ng ama: I’m sorry, Dad…

Billy Crawford nagluluksa sa pagpanaw ng ama: I'm sorry, Dad...

Billy Crawford at Coleen Garcia kasama ang anak at mga kapamilya

NAGLULUKSA ngayon ang TV host-singer na si Billy Crawford at ang kanyang pamilya sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na ama.

Basag ang puso ni Billy sa biglaang pagkamatay ng kanyang tatay na si Jack Crawford. Kinumpirma ng “The Voice Kids Philippines” coach ang malungkot na balita sa pamamagitan ng social media.

Ngayong araw, September 22, nag-post si Billy sa kanyang Instagram page ng mensahe para sa yumaong ama na matagal na panahong nanirahan sa Texas, USA.

Baka Bet Mo: Hirit ni Billy Crawford kay Luis Manzano: Magbago ka na may anak ka nang parating!

Walang ibinigay na karagdagang detalye si Billy tungkol sa pagpanaw ng kanyang ama. Hindi rin niya binanggit kung ano ang naging sanhi ng pamamaalam nito.

Sa kanyang IG post, humingi ng paumanhin ang husband ni Coleen Garcia dahil hindi man lang daw niya nakita at nakausap ang kanyang tatay bago man lamang ito mamaalam.

“I’m sorry, Dad. I wasn’t there to say goodbye, give you a last hug, or tell you how much I love you. You’ll always be in my heart,” ang bahagi ng IG post ni Billy.


Dagdag pa niya, “Thank you for being the greatest dad I could ever have! May you finally rest and forever be happy in the arms of Our Lord Jesus Christ.

“I’ll truly miss you, my main man! Love, your son. Billy Joe CRAWFORD,” ang buong mensahe ng singer-actor.

Bumuhos naman ang mga mensahe ng pakikisimpatya at pakikiramay sa pamilya ni Billy mula sa kanyang mga kaibigan sa loob at labas ng entertainment industry.

Ilan sa mga celebrities na nagpaabot ng pakikiramay sa mga naulila ni Jack Crawford ay sina Aga Muhlach, Alex Gonzaga, EA Guzman, Zack Tabudlo, Carla Abellana, Sam Concepcion, Gloc-9, Jessy Mendiola, Ryan Bang at marami pang iba.


Sa isang panayam, sinabi ni Billy na isa sa mga wish ng kanyang tatay ay makita ang magiging apo niya, “Growing up kasi close family talaga kami.

“To see my dad, ang pangarap niya kapag kausap ko sila, ang sinasabi niya, ‘Son, I’m just holding on para makilala ko lang ‘yung anak niyo.’

“Matanda na ang daddy ko and maraming complications. Pero marami akong matututunan at marami akong maituturo sa aming anak (ni Coleen) dahil sa ama ko. And I owe a lot to my dad,” sabi ni Billy.

Read more...