PARA sa award-winning international Filipino artist na si Lea Salonga, mas karapat-dapat na maging National Artist ang Comedy King na si Dolphy.
Marami kasi ang nagpu-push sa Broadway superstar na maging National Artist at nagsasabing ito na ang tamang panahon para makamit ang pinakamataas na parangal sa Pilipinas sa larangan ng entertainment.
“There are folks far more deserving and whose National Artist Awards are long overdue. I would love to see somebody like Dolphy, for example,” ang pahayag ni Lea sa panayam ng ABS-CBN.
“I think he should be heralded first. Hopefully, I will be given an opportunity to champion him,” dagdag pa niya.
Naniniwala ang actress-singer na karapat-dapat si Mang Dolphy na haranging National Artist dahil sa napakalaking naiambag niya sa entertainment industry.
Bukod pa rito, napakarami ring natulungan ng yumaong Comedy King noong nabubuhay pa ito hindi lamang sa mga kasamahan niya sa showbiz kundi maging mga ordinaryong tao.
“We have to judge him as an artist for his body of work. He has contributed so much, even those where he is cross dressing.
“It lends so much tolerance and acceptance towards the LGBTQIA+ community. Even if that was not his intention at the time. That was an effect,” esplika pa ni Lea.
Nauna rito, naghain din ng nominasyon ang grupong Aktor PH (League of Filipino Actors) para gawing National Artist for Film and Broadcast Arts ang Star For All Seasons na si Vilma Santos.
Sa pangunguna nina Dingdong Dantes at Piolo Pascual, naniniwala ang kanilang organisasyon na ito na ang tamang panahon para kilalanin ang mga naiambag ng Star for All Seasons sa entertainment industry.
Inisa-isa ng premyadong aktor ang mga dahilan kung bakit karapat-dapat na tanghaling National Artist si Ate Vi. At bukod daw sa Aktor PH, may more than 20 organization at indibidwal pa ang nagsusulong sa nominasyon ng movie icon.
“May ongoing movement na eh. Hindi lang naman ito nagsimula sa amin, and I’m sure matagal na ito. Gaya ng nabanggit ko kanina, may 20 plus organizations that are also pushing for this and we’re just one of them,” sabi ng Aktor PH board member.
Dagdag pa niya, “She’s a protector of the community and, most importantly, a nation builder. Kung mayroon kang mga ganitong guiding principles, exemplified and brought to life literally by a person in the person of Vilma Santos, at sasabihin mo, ‘Ito ‘yung pamantayan eh.’”
“And on that note, we wholeheartedly endorse the nomination of Rosa Vilma Santos-Recto to the Order of National Artists for Film and Broadcast,” lahad pa ni Dingdong.