Jericho Rosales aminadong bestfriend si Kim Jones kahit break na

Jericho Rosales bestfriend pa rin si Kim Jones kahit break na

SA kabila ng paghihiwalay ng Kapamilya actor na si Jericho Rosales at dati nitong asawa na si Kim Jones ay patuloy pa rin ang magandang samahan sa pagitan ng dalawa.

Sa kanyang naging panayam sa Kapamilya broadcaster na si Karen Davila, nausisa sya nito patungkol sa kanilang relasyon ng dating asawa.

Lahad ni Jericho, nnantili pa rin naman silang magkaibigan ng ex-wife sa kabila ng mga nangyari.

Bagamat imposible kung maituturing, talaga raw nakabuo silang dalawa ng matibay na samahan habang magkasama.

Baka Bet Mo: Jericho kay Janine: I can spend six hours talking to this girl

“How would people understand this, you know? How would they take this—two people can be friends? The whole 10 years, she was my best friend,” saad ni Jericho.

Pagpapatuloy niya, tinulungan siya ni Kim sa mga malalaking desisyon niya sa buhay.

Lahad ni Jericho, “Helping me out with major decisions in life; supporting my every major decision. She pushed me to go to Africa; to New York.

“She just pushed me and pushed me to and said you have to grow; you have to find yourself. Parang may moments na bestfriend kami. May moments [na] ‘Karate Kid.’ Siya ‘yong Mr. Miyagi….and ako rin sa kaniya gano’n.”

Ito raw ang nagturo kay Jericho na tignan ang buhay sa ibang aspeto.

“So it taught me things can take different shapes, you know. Humans are capable of love. Just capable of like making things regrow and make beautiful things,” sey pa ni Jericho.

Matatandaang nitong January 2024 nang kumpirmahin ng kanilang ninong sa kasal na si Ricco Ocampo na matagal na raw hiwalay ang dalawa.

2019 raw nang tuluyan nang nag-break sina Jericho at Kim.

Read more...