Chloe San Jose nagpapakasasa raw sa pera ni Carlos Yulo, pumalag

DIRETSAHANG sinagot ng girlfriend ng Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Chloe San Jose ang isyung nagpapakasasa siya sa pera ng dyowa. Chloe San Jose nagpapakasasa raw sa pera ni Carlos Yulo, pumalag

DIRETSAHANG sinagot ng girlfriend ng two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Chloe San Jose ang isyung nagpapakasasa siya sa pera ng dyowa.

Kasalukuyang nasa South Korea kasi ang dalawa para magbakasyon.

Agad namang ibinandera ni Chloe ang mga larawan nila ni Carlos kung saan sweet na sweet silang dalawa na kuha sa Lotte World .

“Dear Seoul, you had us at annyeonghaseyo,” caption pa ng dalaga.

Baka Bet Mo: Chloe San Jose hindi rin daw kasundo ang inang si Marie, true kaya?

Samantala, dinumog naman ng samu’t saring komento ang naturang post ni Chloe.

Isang netizen pa nga ang nag-comment ng artcard na umano’y naging pahayag ni Chloe sa isang interview na.

“Gustong-gusto ko pong mawala na ang ‘utang na loob’ culture dito sa Pilipinas dahil sobrang toxic po nito. Hindi po porket ipinagbuntis ka ng 9 na months, pinakain, pinagaral, at pinagtapos ay obligasyon mo na agad tumanaw ng utang na loob sa parents mo.

“Responsibilidad po ng mga magulang ito. May sariling buhay po ang anak at dapat hayaan siyang magbuo ng sarili niyang future nang hindi na kayo nakikialam. Ganito po ang kinalakihan ko sa Australia at sana maging normal na rin ito dito sa Pinas,” mababasa artcard na umano’y mula raw kay Chloe.

Sabi p ng netizen, “Sabihin mo yan sa magiging anak mo in the future ha! Hahaha.”

Agad namang sumagot si Chloe at sinabing wala siyang sinasabing ganoon.

“eh? hindi ko naman sinabi yarn?? fake news believer,” sey ng dalaga.

Isa rin sa mga netizens ang nag-commen patungkol sa pera ni Carlos.

“D ka naman nahihiya ikaw yung nag papakasasa sa pera ni caloy ang japal din ng muka mo no kasing kapal ng hallow blocks,” hirit nito kay Chloe.

Sagot naman ng alaga, “ “gawain mo siguro yan, mag pakasasa sa pera ng iba… ganyan talaga siguro mag salita yung mga people who don’t know how to earn their own money and ginagamit ibang tao as investment for their own leisure.”

Read more...