Bea Binene kinilig sa date nila ni Leni Robredo: Love you always!

Bea Binene kinilig sa date nila ni Leni Robredo: Love you always!

PROUD na ibinandera ng aktres na si Bea Binene ang kanilang bonding moment ng dating Bise Presidente Leni Robredo habang siya ay nasa Naga.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi nito ang mga larawan na kuha nang muli silang magkita.

“Not leaving Naga without seeing you, @lenirobredo 😅,” panimula ni Bea sa kanyang caption.

Nagpasalamat rin ang aktres dahil sa kabila ng busy schedule ng dating bise presidente ay in-accommodate pa rin siya nito.

Baka Bet Mo: Bea Binene sa pang-iintriga sa kanila ni Barbie Forteza: ‘Wala po akong inggit na nararamdaman, proud na proud ako sa kanya’

“Thank you for lunch and for making time despite your veeery busy schedule. Huhu. Always see nice to catch up even though we don’t see each other that much. Happy I got to see more of Naga, that you love and care for,” sey pa ni Bea.

Aminado rin ang dalaga na kahit na-meet na niya noon si Atty. Leni ay nakakaramdam pa rin siya ng pagka-starstruck sa tuwing nakikita ito.

“Eversince I volunteered way back 2016 until now, I still get starstruck and kilig whenever we see each other,” hirit ng dalaga.

Pinuri rin ni Bea si Atty. Leni dahil sa pagiging humble nito at tinuturing na rin niya ito bilang pangalawang ina.

“Ever humble, ever maaasahan, always a text away, and it always feels like I’ve found another mother in you.  Love you always! You know the rest @atty.lenirobredo,” dagdag pa niya.

Na-meet rin ni Bea ang dalawa sa tatlong anak ni Atty. Leni na sina Aika at Jill.

Read more...