Yassi Pressman, Luigi Villafuerte nag-celeb ng 1st anniversary

Yassi Pressman, Luigi Villafuerte nag-celeb ng 1st anniversary

LOVE is in the air talaga para sa magkarelasyong sina Camarines Sur Governor na si Luigi Villafuerte at aktres na si Yassi Pressman.

Ngayong buwan kasi ang kanilang naging selebrasyon ng kanilang unang anibersaryo bilang magkarelasyon

Sa katunayam, ibinandera nga ng gobernador sa kanyang Instagram page ang mga larawan nila ni Yassi na kuha mula sa kanilang recent trip sa Bhutan.

“happy anniversary my love! everyday is an adventure with you and I can’t wait to conquer more mountains together!” saad ni Gov. Luigi sa kanyang caption.

Baka Bet Mo: Yassi Pressman pinaiyak ng driver ng na-book na TNVS: Kuya, ang swerte ko naman

Hirit pa niya kay Yassi, “you’re my mona lisa bubbapie! I love you (heart hands, face blowing a kiss emojis)”

Sa comment section ay agad namang makikita ang komento ng aktres.

“to my sweetest hero, I LOVE YOU FOREVER (crying, heart emojis),” tugon ni Yassi.

Maging ang fan group na sumusuporta sa Viva actress ay nagpaabot ng kanilang pagbati sa love birds.

“Happy Anniversary, Gov. Luigi & @yassipressman (heart emojis),” sey ng Yassi Archives.

Nag-reply naman ang aktres at nagpasalamat sa mga tagahanga.

“everyday i wake up thankful to the Lord that I have you in my life (crying emoji) i love you so much thank you for all my cuddles and kisses (heart emojis),” ani Yassi.

Matatandaang naging usap-usapan ng madlang pipol kung mayroon bang something sa pagitan ng gobernador at aktres matapos itong makitang sweet together sa Camarines Sur.

Matagal ring na-link sina Yassi at Gov. Luigi bago sila tuluyang umamin sa publiko tungkol sa kanilang relasyon.

Pero nitong February 2024 ay may pa-hard launch na ang aktres nang ibahagi nito ang mga kuhang larawan
mula sa isang local fashion event na ginanap sa National Museum of the Philippines.

Sa huling parte ng post ay isang short video kung saan nagkiss sila Yassi at Luigi.

“a beautiful night of love [emojis] swipe to the end for a kilig surrrpwiiz [emojis],” sey ng aktres.

Read more...