NAKALAYA na ang veteran character actor na si Ricardo Cepeda makalipas ang 11 buwang pagkakakulong sa Cagayan Provincial Jail sa Tuguegarao City.
Sinampahan ng kasong syndicated estafa si Ricardo matapos masangkot ang kanyang pangalan sa isang uri ng investment scheme.
Ang paglaya ng aktor mula sa kulungan ay kinumpirma mismo ng kanyang partner, ang aktres at dating model na si Marina Benepayo.
Baka Bet Mo:Snooky sa nakakulong na ex na si Ricardo Cepeda: May kunsensiya siya
Sa pamamagitan ng kanyang social media accounts, ibinahagi ni Marina ang video nila ni Ricardo habang nagsasayaw gamit ang background ng kanta ni Elvis Presley na “Don’t Be Cruel.”
“He’s finally going home! Thank you for your prayers,” ang mababasang text na nakasulat sa naturang video.
Ito naman ang caption sa kanyang Instagram post, “#11months and finally, he’s going home! God is Good! Thank you, everyone for your prayers (red heart and praying hearts emojis). #ricardocepeda #life #love #family #lifegoeson.”
Sa hiwalay na post niya sa Facebook ay mababasa naman ang mensahe ni Marina na, “Richard is coming home, finally!!!! Thank you, God for your continuing guidance, never mo kami pinabayaan despite the challenge.
“Thankful for the strength you have given us throughout. Thank you everyone also for your prayers,” sey ng aktres gamit ang mga hashtag na #GodIsGood, #LifeGoesOn, #thankyouGod, #11monthsofwaiting, #ricardocepeda, #love, #family at #life.”
Inaresto ang aktor ng mga pulis noong October 7, 2023 sa Caloocan City, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Gemma Bucayo-Madrid ng Regional Trial Court Branch 12 ng Sanchez Mira, Cagayan.
Mariing pinabulaanan ni Ricardo ang lahat ng akusasyon sa kanya at sinabing wala siyang kasalanan. Endorser lang daw siya ng inirereklamong kumpanya.