Carlos Yulo miss na miss na ang ina; sumilip sa live selling ni Angelica?

Carlos Yulo miss na miss na ang ina; sumilip sa live selling ni Angelica?

NANINIWALA ang mga tagasuporta ng mag-asawang Angelica Yulo at Mark Andrew Yulo na hindi rin sila matitiis ng kanilang anak na si Carlos Yulo.

Ito’y matapos ngang mapansin ng netizens ang pagsilip daw ng 2-time Olympic gold medalist sa live online selling sa kanyang nanay na si Angelica sa kanyang Facebook account.

Sa FB page na “Celebrity Random Updates” makikita ang mga litrato kung saan habang nagbebenta si Angelica ng mga tindang damit ay biglang nag-pop up ang verified Facebook page ni Caloy na “Carlos Edriel Yulo.”

Ikinagulat ito ng mga netizens dahil nga iyon ang unang pagkakataon na nag-watch si Carlos sa live selling ng kanyang ina mula nang magkaroon sila ng alitan nang dahil sa pera at sa girlfriend niyang si Chloe San Jose.

Baka Bet Mo: Tatay ni Carlos Yulo umalma na: Dapat mag-sorry siya sa nanay niya

 

Hindi lang kami sure kung napansin ni Angelica ang panonood sa kanya ni Carlos o kung ang Pinoy Olympian nga ang sumilip sa FB live selling ng kanyang nanay.

 

May mga nabasa naman kaming comments na baka raw si Chloe ang may hawak ng cellphone ni Caloy at siya ang nag-watch sa online selling ni Angelica.

But just the same, ikinatuwa pa rin ito mga netizens dahil feeling nila, miss na miss na rin ni Carlos ang kanyang pamilya, lalo na ang nanay niya.

Narito ang ilang comments na nabasa namin sa social media.

“Nami-miss kaya niya ang kanyang pamilya kaya siya sumilip sa live selling ng kanyang ina?”

“Mas mabuti mgkaayos na sila kay pinagpipipyestahan na sila ng mga marites inaabangan lagi kung ano malabas na isyu sa pamilya nila”

“In God’s time. Maging okay sila. Family is love. Family is forever.”

“Mas mabuti mgkaayos na sila kay pinagpipipyestahan na sila ng mga marites inaabangan lagi kung ano malabas na isyu sa pamilya nila.”

“In God’s time. Maging okay sila. Family is love. Family is forever.”

“Deep inside masakit sa isang anak na hindi kasama ang magulang sa oras ng tagumpay nya..baka my pumipigil lang na dahilan sa kanya.”

“HINDI KA CGURADO kung sya Ba TALAGA!!!… ang NANUNUOD!!!.. HAWAK PO ni GOLDIE ang ACCOUNT!!!”

“Baka ibang carlos yun nanood. gumamit lang ng account ni Carlos.”

“Kahit gaano pa katindi Ang Galit natin sa mga magulang may panahon din babalik Tayo sakanila..dahil waray Tayo sa atin kinatatayuan Kung Wala Sila..na miss kolang mga magulang ko dalawa Sila sa heaven na.”

Read more...