‘Dumanak’ ang dugo para sa 58th b-day ni Bong Revilla sa Q.C.

'Dumanak' ang dugo sa 58th b-day ni Bong Revilla sa Q.C.

Bong Revilla sa naganap na ‘Dugong Alay, Pandugtong Buhay’

DUMANAK” ang dugo ngayong araw, September 18, sa Amoranto Sports Complex lobby dahil sa taunang selebrasyon ng kaarawan ni Sen. Bong Revilla.

Sa pagdiriwang ng 58th birthday ng veteran actor at public servant, nagsagawa muli siya ng bloodletting event dubbed as “Dugong Alay, Pandugtong Buhay.”

Nangyari ito kaninang alas-8 ng umaga at tumagal hanggang alas-12 ng tanghali kung saan nakipagtulungan din ang Chinese General Hospital and Medical Center at Lung Center of the Philippines na siyang mangunguna sa pagkuha ng dugo sa mga donor.

Naroon din ang mga donors na regular nang naghahandog ng dugo sa mga bloodletting events ni Sen. Bong tulad ng mga grupong Alpha Phi Omega, Agimat Riders, Armed Forces of the Philippines, Philippine Marines, Philippine Navy, Philippine Air Force, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, at Philippine National Police.

Baka Bet Mo: Kim Molina nabastusan sa ’69’ comment ng basher kay Jerald Napoles

“Bukod sa kanila nandiyan din ang iba pa nating tagasuporta na taun-taong nagdu-donate ng dugo kabilang na ang mga kaibigan natin sa showbiz, at iba pang sektor.

“Iniingatan ang mga naipong dugo at ipadadala ito sa mga ka-partner na ospital upang makatulong sa mga kababayan nating walang pambili ng dugo sa oras ng pangangailangan.


“Mismong ako ay nagpapakuha ng dugo dahil bukod sa nakakapagdudugtong tayo ng buhay ay mabuti pa sa kalusugan ang regular na pagdu-donate ng dugo.

“Hindi na rin mabilang sa daliri ang mga kababayan nating nadugtungan natin ang buhay dahil sa wala na silang mahagilap na dugo kahit may sapat silang pera—dahil dumarating talaga ang pagkakataon na nagkakaubusan ng dugo.

“Kaya malaking bagay ang ginagawa nating bloodletting dahil marami ang natutulungan ng proyektong ito – tuwing sasapit ang aking kaarawan (September 25) ay bahagi na ito ng aking pagdiriwang kada taon,” pahayag ni Sen. Bong.

Last year, umabot sa 550 katao ang nag-donate ng dugo kung saan nakaipon sila ng 266 bag ng dugo na pinakinabangan nang buong taon.

Naghanda rin ng pagkain ang Team Bong para sa mga nagbigay ng dugo. Binigyan din sila ng certificate na katunayang nag-donate sila ng dugo na maaari nilang magamit kapag sila naman ang nangailangan nito.

Bukod dito ay may mga give-away ding ipinamigay  para sa mga boluntaryong nag-donate ng dugo.

“Napakaganda ng adhikaing ng ‘Dugong Alay, Pandugtong Buhay’ dahil kitang-kita ang bayanihan at pagtutulungan ng ating mga kababayan para makaipon ng dugo at magamit sa panahon ng pangangailangan,” sabi pa ng action star at senador.

Bago ang bloodletting ay nagbigay din sila ng cash assistance sa Brgy. Batasan Hills sa Quezon City, “Namahagi tayo ng tig-P2,000 bawat isa sa pamamagitan ng Assistance for Individual in Crisis Situation (AICS) ng DSWD at inaasahang aabot sa mahigit 2,000 katao ang nabiyayaan.”

“Bibisitahin din natin ang Tacloban City kasama si Mayor Alfred Romualdez at mamamahagi rin tayo ng financial assistance sa may 2,000 benepisyaryo.

Read more...